Sa Wakas

13 50
Avatar for MrsPepper27
2 years ago
Topics: Love, Life, Destiny

Mag simula tayo sa wakas.

Kung kailan ang lahat ay parang wala ng pag-asa pa. Na maibalik o kahit maitama man lamang ang mga pagkakamali ng nakalipas.

Kung saan ang isang malawak na palasyo na puno ng saya at musika ay napalitan ng nakabibinging katahimikan. Ang dating maraming tao ay naubos, parang bula na naglaho.

Mga sandaling binalot ng dilim ang puso at isipan ko. Na kahit anong lakas ng ilaw ay di ko maaninag ang liwanag. Dilim at katahimikan na unti-unti ay pumapatay sa aking katawan, puso at isipan.

Isang pagkakataon lang ang hinihintay ko para wakasan na ang paghihirap na ito. Isang pagkakataon lang upang makaramdam kung paano maging malaya sa sakit at paghihirap mula sa mundong ibabaw.

Isang pagkakataon na babago sa buhay ko.

At ang pagkakataong iyon ay IKAW.

Ikaw. Ikaw na tinanggap ako. Mula ulo hanggang paa. Ang baho at halimuyak ng pagakatao ko ay di mo alintana. Maging ang mga pagkakamali ko sa nakaraan ay buong puso mong tinanggap nang walang halong panghuhusga.

Ikaw na niyakap ako. Mga gawi at nakasanayan na di kaaya-aya, mga bagahe mula sa nakaraan na ayaw ko ng balikan. Lahat ng tungkol sa akin ay niyakap mo.

Ikaw na pinanindigan ako. Sa dami ng taong kilala ko bukod tangi na ikaw lang ang nanatili sa tabi ko. Pinanindigan mo ako.

Ikaw na pinili ako. Sa kabila ng lahat ng pagkukulang ko, mga away at tampuhan nating pinagdaanan. Ni minsan, kahit isang segundo, hindi ko naramdaman na wala na ang pagmamahal mo sa akin. Salamat sa araw-araw na pagpili mo sa akin.

Sa wakas, hindi ko na mararanasan pa ang matulog sa gabi nang mag-isa. At gumising sa umaga na walang kagana-gana.

Sa wakas, at mayroong isang tama sa lahat ng desisyong nagawa ko. Ang piliin ka araw-araw.

Magsisimula akong muli sa wakas.

Ngunit sa pagkakataong ito hindi na ako nag-iisa. Hawak ko ang kamay mo. Sabay natin haharapin ang mundo.

Sa harap ng Diyos at ng madla,

Sa wakas, tayo ay magiging isa.

Sponsors of MrsPepper27
empty
empty
empty

Ang Sa Akin Lang

Masarap sa pakiramdam kapag natagpuan mo na yung taong itinadhana para sa'yo. Kaya wag kang mapapagod magmahal kahit paulit-ulit ka pang masaktan. Dahil ang lahat ay nakatakda na. Sa tamang oras at pagkakataon, ang taong inilaan Niya para sa'yo ay makikilala mo. Ang luha ng kalungkutan ay mapapalitan ng walang hanggang saya sa tamang tao, sa tamang panahon.

Masasabi kong nasa tamang tao na ako ngayon. Ikaw? Nasa tamang tao na rin ba?

πŸ’šπŸ’šπŸ’š


If it's not too much trouble, you can check my latest 5 articles below. Thank you, big time!

Answering Never Have Ever I Questions

What Happened in January?

Read.cash and Me

Malaya ka na

The Beauty and Pain of Falling in Love

πŸ’šπŸ’šπŸ’š


Sources:

Lead image is from Pixabay.

Words have been checked thru Dupli Checker Plagiarism Checker.

If you wanna know some of my daily activities, short posts or want to have some good vibes, you can visit my Noise accountΒ MrsPepper.

6
$ 1.25
$ 1.18 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Usagi
$ 0.02 from @Pachuchay
+ 1
Sponsors of MrsPepper27
empty
empty
empty
Avatar for MrsPepper27
2 years ago
Topics: Love, Life, Destiny

Comments

Sobrang sweet naman sis. Ang ganda naman ng mga words. Ang sarap pakinggan. Love month na talaga sis. Ilang araw na lang.❀️

Oo sis tama, ang sarap sa pakiramdam na natagpuan mo na yung tamang tao na nagbibigay ng saya at suporta sayo. Kung nakaranas man nasaktan darating din ang araw na mapalitan yun ng saya at natagpuan mo na ang taong para sayo

$ 0.00
2 years ago

True sis. Waiting is really worth it pag nakita mo na si The One.

$ 0.00
2 years ago

Ako, singel na muna po hehe. Yes, mahahanap rin ang pagibig kaya wag na maghanap kasi darating din yun haha!

$ 0.00
2 years ago

Tama yan. Enjoy your Singlehood. Lande lande din pag may time ah hahaha

$ 0.00
2 years ago

Hehe totoo po ate. Gusto ko nga magipon muna bago magkapamilya hehe. Enjoy ko muna to. :)

$ 0.00
2 years ago

Aww ganda ng piece ate. Sila taalga para sa isat isa. Ung feeling na andami nyo na pinagdaanan tapos you choose to be with each other pa din. Jan ako mapapa sana ol talaga.

$ 0.00
2 years ago

Relationship is not about love alone. It is more of being committed with each other. Once you find The One, love becomes a decision you need to make everyday. Kaya you vote wisely este choose wisely LOL

$ 0.00
2 years ago

kaya mas importante talaga na hanap ka ng taong makaka match mo hindi ung pipilitin nyo pa din kahit di na talaga kaya.

$ 0.00
2 years ago

Trust the process talaga, masakit ang masaktan sa pagibig pero makakalimutan yun lahat once na mapunta ka na sa tamang tao. Sweet po neto ate 😊.

$ 0.00
2 years ago

Aw. Thank you, Tamia. Next time, magpapaiyak naman ako hahaha

$ 0.00
2 years ago

Balentayms na balentayms ang tema mamsh ah, hehe

$ 0.00
2 years ago

Syempre mamsh! Love is in the air na e hahaha

$ 0.00
2 years ago

Hahaha, truth!

$ 0.00
2 years ago