Questions For Honor Students Part 2

4 26
Avatar for MrsPepper27
2 years ago

Ang nakaraan ...

Kung hindi mo pa nababasa ang part one nito, narito ang link. Basahin mo rin para masaya :) Inspirasyon ko dito ang article ni @kingofreview . Siya po ang pasimuno nito hahaha

Babala: Ang mga susunod na salita ay lathala nang may kaunting kayabangan, at Taglish po ito😁 Pagbigyan nyo na, ngayon lang to, promise.

Pagpapatuloy ...

Ang Mga Tanong

Your Inspiration?

Una sa lahat, mga magulang ko. Pareho kasi silang hindi nakatapos ng pag-aaral dahil sa hirap ng buhay. Pakiramdam ko sila yung unang masisiyahan kapag nakapagtapos ako with honors. Nakita ko kasi noon kung paano nila ako ipagmalaki sa mga ibang kamag-anak namin saka sa mga katrabaho nila. Pangalawa ay yung mga medalya na makukuha kung may honor ako hahaha ako lang ba yung naadik sa medals noon? Ewan ko ah, pero iba yung fulfillment na binigay sa akin sa tuwing makakatanggap ako ng medals hahaha

Your ambition?

Noong elementary, pangarap ko talagang maging Valedictorian. Kaso kinapos kaya I landed as Salutatorian. Tapos noong highschool ako, dahil nga nagrebelde ako, pangarap ko na lang na maka-graduate hahaha pero pinalad naman kasi hindi man ako nakapagtapos nang may karangalan e may awards pa din ako at the end of school year. So napaakyat ko pa din ng stage ang parents ko noon para makapagpa-picture with certificates and medal. Hailed as one of the Math Wizard ang mamshie nyo and Editor ng Taon. Wag na natin pag-usapan yung college life ko, ang masasabi ko lang ay back to zero ka pag nag-college ka hahaha unless siguro kung sa well known university ka mag-aaral tapos scholar ka. Pero may mga certificates and trophy naman akong naiuwi noon saka nahanap ko rin yung tunay kong pag-ibig hihihi hi, @MrPepper

Takot ka malamangan?

Noong elementary, sobra. May pagka-competitive nga kasi ako kaya ayaw ko talaga nang may mas mataas ang scores sakin hahaha naalala ko noon, yung Top 1 namin perfect yung ilang subjects noong nag-periodical kami so sabi ko sarili ko dapat ako rin hahaha noong binigay na yung mga results para sa lahat ng subjects, natuwa naman ako kasi its' a tie hahaha kung tatlo yung perfect nya, ganun din sakin. Tapos pag kuhaan ng card, lagi ko talaga sinisilip yung card nya, gusto ko malaman kung ilan ang line of 9 nya hahaha

Nakatanggap ka na ng gift dahil may honor ka?

Palagi hahaha every end of school year lalo na noong elementary laging may pa-teddy bear si nanay para sa akin. Dalawa kami ni ate na binibilhan nya, pwede isipin na ini-spoiled kami noong bata pa kami hahaha Noong nag-high school at college, pagkain lang sapat na hahaha pag may awards ako, naghahanda lang sila ng pagkain tapos the usual may cake at ice cream na aking paborito hihihi

Nakipagtalo ka na ba sa teacher mo dahil sa sagot?

Never pa, pero may ilang beses na rin akong napagalitan ng teachers. Sila talaga yung nakipagtalo sa akin hahaha this is another story hahaha

Gifted or genius?

Wala. Masipag lang ako magbasa. Yun ang pinaka advantage ko, I can say. Masyado mabigat yung mga salitang "gifted" and "genius" para sa akin. Saka may pagka-tamad talaga kasi akong mag-aral noon lalo na noong highschool ako. Madami kasi akong kalokohan noong HS, saka feeling ko mas nakahinga ako noong nagHS ako. Dun ko nakilala yung mga best friends ko tapos na-experience ko din magka-crush and magka-jowa noon. Maaga ako nag-landi, sorry na hahaha

Patalastas! Huwag mong kalimutang bisitahin din sila.

Sponsors of MrsPepper27
empty
empty
empty

Best achievement mo?

Many to mention LOL Academically speaking, yung maka-graduate ng college kahit walang honors. During that time we really struggled financially kasi na-stroke si Tatay a year bago ako maka-graduate. Buti na lang at scholar-kuno ako kaya half lang ng tuition ang binabayaran ko tapos jowa ko na noon si Mister kaya sagot na nya ang pagkain at pamasahe ko. Ang ginawa ko na lang ay ang mag-aral hanggang maka-graduate kasi need ko na talaga makapag-work para makatulong na din ako sa mga gastusin sa bahay.

Ang Sa Akin Lang

Nakakamiss magbalik-tanaw. Maipapayo ko lang sa mga estudyante dyan, huwag nyo masyadong dibdibin ang pag-aaral. Tandaan nyo na ang totoong laban sa buhay ay hindi nakakulong sa bawat pahina ng mga libro nyo. Hindi ko sinasabi na wag na kayo mag-aral ah. Ang sa akin lang, mag-arala kayo pero wag nyo kalilimutan na mag-enjoy. Bata pa kayo, enjoy lang ang life dahil sa susunod baka hindi nyo na magawa yun nang tuluyan. Judith is waving LOL

Muli akong nagpapasalamat kay @kingofreview . Salamat sa inspirasyon, na-enjoy ko ang pagbabalik-tanaw ko sa aking nakaraan. Best of luck sa tatahakin mong landas!


Sige pindot lang, basa ka pa ng artikulo ko.

Kapag Sinabi Kong Mahal Kita

Gaano Kahaba ... Ang Pasensya Mo?

Pag-uulayaw sa Asotea

Klasmeyt Ko Noon, Asawa Ko Na Ngayon

Sampung Aral Na Natutunan Ko Sa'yo, Mahal Ko

Orihinal na likha ng malikot na pag-iisip ng inyong likod.

If you wanna know some of my daily activities, short posts or want to have some good vibes, you can visit my Noise account MrsPepper.

6
$ 0.23
$ 0.10 from @Ruffa
$ 0.10 from @kingofreview
$ 0.03 from @zolabundance2
Sponsors of MrsPepper27
empty
empty
empty
Avatar for MrsPepper27
2 years ago

Comments

Yiehhh, grabidad talaga mga achievement nito 🤩. Basta ako non, hahahaha kuu wala talaga. Wala talaga akong ganitonhaha

$ 0.00
2 years ago

Dati yan, ngayon olats na hahaha

$ 0.00
2 years ago

Salamat sa pagbahagi ng iyong pagbabalik-tanaw ng ikaw ay mag-aaral pa lang. Sana ang mga kabataan na makakabasa nito ay makapulot ng mga aral na pwede nilang dalhin sa pagtahak ng kanilang kinabuksan.

$ 0.00
2 years ago

Nakow sana nga. Sana nga may mapulot silang aral hahaha

$ 0.00
2 years ago