Join 79,033 users and earn money for participation

Questions For Honor Students Part 1

26 34 boost
Avatar for MrsPepper27
Written by   72
2 months ago

Dahil natuwa ako sa article ni @kingofreview tungkol sa Questions For Honor Students ay gumawa din ako nang sa akin. Sa totoo lang, naaliw akong basahin yung gawa nya at habang binabasa ko yung sa kanya ay hindi ko maiwasang hindi sumagot (sa isipan ko) hahaha kaya naman ito ang entry ko!

Babala: Ang mga susunod na salita ay lathala nang may kaunting kayabangan, at Taglish po ito😁 Pagbigyan nyo na, ngayon lang to, promise.

Ang Mga Tanong

Highest Top?

Graduate ako ng Salutatorian noong nasa elementary ako. Consistent akong Top 2 mula Kinder hanggang Grade 6.

Lowest Top?

Alitaptap. Noong mag-highschool ako, nawala ang enthusiasm ko sa pag-aaral. Sabihin na nating nagrebelde ako. Masalimuot ang first year high school ko, first time ko kasing di nakasali sa Top 10, although consistent section one naman ako hanggang maka-graduate ako sa highschool. Nagbalik-loob din ako sa pag-aaral noong mag-2nd year highschool na ko.

Highest Average of All Time?

Hindi ko matandaan yung exact number pero sure ako na Grade 3 yun. Tanda ko pa na noong Recognition Day namin ay ang dami kong medals sa katawan hahaha tapos noong last day of school ay tadtad din ako ng ribbons hahaha lahat ng subject ay 'Best' ako, kahit sa Science na hindi ko kasundo. Tapos, 'Most Obedient' din ako, pramis ang bait ko nung Grade 3 ako hahaha

Pambato Ka Sa School Nyo?

Syempre oo dahil matalino ako LOL pero pambato talaga ako, nung elementary ako. Pero noong highschool na ko, sa Math na lang ako nag-focus, pero pambato pa rin ako.

May Kakompetensya Ka Ba?

Meron. Bukod sa sarili ko, yung Valedictorian namin ang pinaka-kakompetensya ko nung elementary. Feeling ko kasi papansin sya hahaha transferee kasi si ate girl, kaya medyo nainis ako sa kanya noong umpisa. Akala ko kasi, ako na yung mag-Top One nung Grade 3 kami, pero naudlot kasi nga pabida si ate girl. Hindi ko naman sinasabing sipsip sya ah hahaha pero magkaibigan naman kami. Mabait sya at talagang mas matalino kaysa sa akin. Hanggang ngayon, friends pa rin kami.

Anong oras ka nagre-review?

Yung totoo, nung elementary lang ako masipag mag-aral. Kasi bantay sarado ako kay nanay. Yung tipong pagkatapos mananghalian ay gagawa agad ng assignments tapos tulog. Gising sa hapon, laro ng kaunti. Nakakapaglaro naman ako sa labas pero bihira lang. Mas natatandaan ko na madalas akong laman ng bahay para mag-aral kaysa maglaro.

Noog highschool ako, hindi talaga ako nagre-review. Stock knowledge lang pramis. Ang yabang ko noh, feeling ko kasi kabisado ko na lahat hahaha advantage ko yung mahilig ako magbasa tapos madali kong matandaan mga bagay bagay kaya di talaga ko nagre-review. Di rin ako nagawa ng reviewers, sayang sa papel. Mas gusto ko gumawa ng mga tula noon hahaha

Contessero/Conteserra?

Noong elementary, oo. Feeling ko isa ako sa mga pinakamatalino sa school namin hahaha kasali ako sa halos lahat ng events, journalism, sports, MTAP, pati yung intermission sa tuwing may school events kasali ako hahaha Tapos noong highschool naman, MTAP na lang ako nakasali. Laglag ako sa journalism pero nakabawi naman tayo sa Math. Noong college, may ilang mga quiz bee and battle of the brains din tayong sinalihan, nanalo naman pero may mga talo din. Ganun talaga, hindi kasi ako nagre-review kahit may contest akong sinsalihan.

Great fear as an honor student?

For me, yung malaglag ka sa Top 10. Ewan ko ah, baka ako lang naman, takot ako pag announcement na ng Top 10. May pagka-competitive kasi ako e, lalo na noong elementary. Gusto ko kasi talag mag-Top 1 noon. Kaso may mas matalino kasi talaga sa akin, si ate girl kasi mas magaling sa English at Science. E ako nama, sa Math at Filipino lang. Tapos mas madaldal sya sa akin kaya mas close sya sa mga teachers namin. Loner kasi ako noong elementary hahaha Kaya pag may meeting at kuhaan na ng cards, kinakabahan talaga ako baka kasi wala ako sa Top Achievers. Buti na lang at di nama ako nawala sa Top 10 noong elementary ako.

Patalastas! Huwag mong kalimutang bisitahin din sila.

Sponsors of MrsPepper27

Kinukumpara ka ng parents mo?

Hindi naman. Si ate ang nangungumpara sa aming dalawa. Ako kasi yung matalino tapos si ate yung mabait. Same kami nang pinasukang elementary school hanggang college, same din kami ng course. So expect nyo na yung mga tsismis na olats ang ate ko compare sa akin. Wala namang kaso sa akin yun, kasi close talaga kami ni ate noong nasa elementary pa kami. Noong nag-highschool sya dun na sya naging distant sa akin. Tapos sya naman ang nag rebelde hahaha sabi nya one time noong pinagalitan sya ni nanay, "bakit si Marnie? Si Marnie na lang lagi" while crying. Sa isip ko, "bakit ako? bakit parang kasalanan ko pa?" (Sa akin talaga kinuha ni Bobbie ang lines na yan LOL)

As we grow up, we groe apart din. Four years ang gap namin so siya talaga ang best friend ko noong elementary ako, diba nga loner ako. Kaya noong nag-graduate sya sa elementary school at nag-highschool dun ko naramdaman na I lost my best friend and my sister. Pero okay naman na kami ngayon, nag-aaway pa rin kami pero nagkakaayos din naman.

Abangan ang susunod na kabanata sa mga susunod na araw...

Lead image from Unsplash


Sige pindot lang, basa ka pa ng artikulo ko.

Kapag Sinabi Kong Mahal Kita

Gaano Kahaba ... Ang Pasensya Mo?

Pag-uulayaw sa Asotea

Klasmeyt Ko Noon, Asawa Ko Na Ngayon

Sampung Aral Na Natutunan Ko Sa'yo, Mahal Ko

Orihinal na likha ng malikot na pag-iisip ng inyong likod.

If you wanna know some of my daily activities, short posts or want to have some good vibes, you can visit my Noise account MrsPepper.

9
$ 0.52
$ 0.10 from @Ruffa
$ 0.10 from @kingofreview
$ 0.05 from @Bloghound
+ 8
Sponsors of MrsPepper27
Avatar for MrsPepper27
Written by   72
2 months ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

kita mo nga mmashie.. pano ko susulat niyan.. eh top na top ka na!! pambihira... hahahah

$ 0.00
2 months ago

San na ba yung korona ko? Hahaha

$ 0.00
2 months ago

Wow ! Kakaiba po tong article nyo ngayon . Sa totoo lang halos nangyari na sakin to e. Hehehe naiinis Rin Ako nun sa Isang transferee sa school Namin Kasi feeling ko pabida sya porke't galing private school.

$ 0.00
2 months ago

Hahaha naging friends din ba kayo, Claire?

$ 0.00
2 months ago

Opo . Nung palapit na Ang Christmas party .

$ 0.00
2 months ago

Naaliw ako sis. Pwede bang makagawa din ng ganito.hihi. Daming memories kasi ang bumabalik while binabasa ko article mo. Sana all talaga ang pagiging competitive eh.😊

$ 0.00
2 months ago

Push lungs sis😊 sarap mag reminisce hahaha pero dati lang yung pagiging competitive ko, ngayon kasi tinamad na ko hahaha

$ 0.00
2 months ago

Wahh. Sanaol competitive. Hahaha! Thank you for this idea. Will try to write mine din po. 😹

$ 0.00
2 months ago

Excited ako sayo, if ever! Dami mo pa naman medals hahaha gusto ko malaman ang kwento buhay estudyante mo hahaha competitive-kuno lang yan takot lang talaga ko mapalo ng nanay noon hahaha

$ 0.00
2 months ago

Grabi, ang lakas mo nong nag aaral ka. Ako kasi ahahaha lambang lambang lang kaya ung grabe ayon waley din walang kahit ano wahahaha. Di ako palaaral kasi talagan😅🤧

$ 0.00
2 months ago

Noon lang yan malakas, ngayon hindi na hahaha okay lang walang makuhang mga medals ekek basta ang importante may natutunan

$ 0.00
2 months ago

Oops! Your whole article is in other language and I don't really understand the language. Btw, I cam here to greet you. Hope you are doing great.

$ 0.01
2 months ago

Hey, Niazi420! With your comment, I am now greater than ever hahaha I appreciate you dropping by.

$ 0.01
2 months ago

Hehe! That's great then.

$ 0.00
2 months ago

Nung elementary ako nasa Honor Roll din ako. Di ko naman talaga ina-aspire, nag-aaral lang talaga ako ng mabuti. So, salutatorian din ako nung Grade 6. Pero nung high school, mas madami ng ganap at pinagkaka-abalahan. Saka di gaya sa grade school na every year naka paskil ang honors... alam mo lang you did well base sa kung anong section ka mapunta. Basta nag-aral lang din ako ng mabuti at inenjoy ko lahat ng opportunities na naging available sa akin, pagkanta, teatro, cadet training... so feeling ko mas naging well-rounded ako dahil sa mga yon. Nung graduation, I barely missed making honors... pero parang di na mahalaga sa akin yon. Basta okay ang mga grades at masaya ako, okay na yon.

$ 0.00
2 months ago

Okay din yang ganyang mindset. Ako kasi may pagka-competitive talaga nung bata ako hahaha

$ 0.00
2 months ago

Bwahaha ganyan din ako noon, pero di kami naging friends ng top 1. XD

$ 0.00
2 months ago

Mabait pa pala ko hahaha kasi muntik pa kami maging bff gang high school buti na lang ibang hs ako nag Aral hahaha

$ 0.00
2 months ago

Nako hanggang HS kasi kami, di kami friends pero di naman kami magkaaway din. hehe. Wala lang, classmate lang. Ganern. Hahaha.

$ 0.00
2 months ago

Wow Most Obedient! 🤩

$ 0.00
2 months ago

Close ko kasi yung teacher sis hahahahahaha

$ 0.00
2 months ago

bakit naiimagine ko si bea alonzo sa last paragraph..bakit parang kasalanan ko pa.ung scene na un..hahaha

$ 0.00
2 months ago

four sisters and a wedding ang peg ko hahaha

$ 0.00
2 months ago

yun nga..hahah

$ 0.00
2 months ago

Abangan ko po yung next ate. Di po ako naging salutatorian kasi di ko sila kaya. Anyway, waiting for part two po ako

$ 0.00
2 months ago

hahaha salamuch!

$ 0.00
2 months ago