Malaya ka na

14 51
Avatar for MrsPepper27
2 years ago
Topics: Love, Relationship

Pinapalaya na kita, Mahal ko. Mula sa pagkakabilanggo mo sa puso ko nang ilang taon. Lugar na laan para lamang sa'yo mula noon hanggang ngayon.

Pinapalaya na kita, Mahal ko. Mula sa mga bisig kong naging sandalan mo. Noong mga panahong mag-isa ka at walang nakakaunawa sa'yo.

Pinapalaya na kita, Mahal ko. Hindi dahil hindi na kita mahal. Kung hindi dahil alam kong wala na talagang pag-asang bumalik sa dati ang lahat.

Ilang gabi, linggo din akong nagbulag-bulagan. Nagbingi-bingihan. Patay malisya sa sitwasyon nating dalawa. Dahil sa pag-asang babalik pa ang 'Dating Tayo'.

Pero ang lahat ay naglaho na. Mga nakaraang puno ng tamis at saya. Mga sandaling mananatili na lang sa aking ala-ala.

Batid kong nasaktan kita nang labis. Nasira ko ang tiwala mo, nawasak ko ang puso mo. Ilang beses man akong humingi ng tawad sa'yo, alam kong huli na ang lahat. Hindi na maaari pa.

Patawad kung hindi ako naging matatag tulad mo.

Patawad kung hindi ko na kayang tuparin ang mga pangako ko.

Patawad kung nagpadala ako sa tukso sa paligid ko.

Patawad kung pakiramdam mo hindi ka naging sapat, kahit alam natin pareho na ako ang siyang hindi naging tapat.

Pinapalaya na kita, Mahal ko. Hindi man ngayon, pero sana sa tamang panahon ay mapatawad mo rin ako.

Hanggang sa muli nating pagkikita,

-Ang Nangaliwa Mong Karelasyon

Lahat ng relasyon dumadaan sa problema. Dito nasusubukan yung paniniwala at pagmamahal ninyo para sa isa't isa. Isa ang pangangaliwa o pakikipag-relasyon sa ibang tao sa maraming problema na posibleng kaharapin ng magkarelasyon, magkasintahan man o mag-asawa.

Kung anuman ang dahilan o kung paano nagsimula, ang pakikipagrelasyon sa iba ay maituturing na kasalanan. Kaya mahalaga na humingi ng tawad sa taong nasaktan kasabay ng pangako na hindi na uulit pa. Maswerte ka kung mapagbibigyan ng ikalawang pagkakataon. Pero kung hindi na, sana maging aral na iyan para sa'yo.

Isa pa, ang pagpapatawad ay kusang ibinibigay. Hindi dapat pinipilit. Hindi minamadali. Hindi inaapura. Sa tamang panahon, dadating ang araw na mapapatawad ka niya. Pareho kayong magiging malaya sa sakit na dulot ng isang mapait na karanasan.

Sponsors of MrsPepper27
empty
empty
empty

Ang Sa Akin Lang

Pahinga muna tayo sa Ingles. Mahalin muna natin ang sarili natin este ang sariling atin. Dami ko pang naka-draft na Tagalog articles. Sana madugtungan ko na kayo hahaha

Shout out pala kay @zolabundance2 salamat sa suporta! Lablab๐Ÿ˜˜

๐Ÿ’š๐Ÿ’š๐Ÿ’š


If it's not too much trouble, you can check my latest 5 articles below. Thank you, big time!

The Beauty and Pain of Falling in Love

Filipino Toxic Culture

A Weekend To Remember

A Look Back At High School Musical

My One Year Journey in noise.cash

๐Ÿ’š๐Ÿ’š๐Ÿ’š


Sources:

All images are from Pixabay.

Words have been checked thru Dupli Checker Plagiarism Checker.

If you wanna know some of my daily activities, short posts or want to have some good vibes, you can visit my Noise accountย MrsPepper.

14
$ 4.20
$ 3.93 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @LucyStephanie
$ 0.07 from @Ruffa
+ 4
Sponsors of MrsPepper27
empty
empty
empty
Avatar for MrsPepper27
2 years ago
Topics: Love, Relationship

Comments

Tiwala ang pinaka mahirap buoin sa lahat kaya dapat pahalagahan dahil taon ang aabutin mabuo ang nasirang tiwala. Napakagandang tula na galing sa iyong puso.

$ 0.00
2 years ago

Ganyan din ako pahinga muna sa English. Anyway. Mahirap talaga pag my cheating na nangyari. Sana di Yan mangyari sa relasyon namin ng asawa ko kasi chixboy pa naman Yun. Madaling matukso

$ 0.00
2 years ago

Nice one ๐Ÿ™‚ PWedi naman pala ditong Tagalog? Akala ko puro english lang ang articles dito.

My first article ay tagalog. Haha . Naglakas loob lang magsulat dito sa read cash . Kahit mali-mali.. hahahaha.

$ 0.00
2 years ago

Natawa ako sa pahinga muna tsyo sa ingles. Hahaha maski ako ate gusto ko na magtagalog eh wahahahaha.

Anyways tama naman yan, kung nagkasala man sayo ung karelasyon mo, at di mo pa kaya patawarin, hayaann mo sarili mong maka move on. Wag pilitin na i forgive or forget ang isang bagay. Mas mesheket yern.

$ 0.00
2 years ago

Wala pang Araw ng mga Puso eh narito na ang isang makabagbag-damdaming sanaysay. Hahaha. Tuloy mo lang yan. Minsan maganda talaga magsulat at magbasa gamit ang sariling atin.

$ 0.01
2 years ago

Whew and lalim ng hugot... ๐Ÿ˜…

$ 0.00
2 years ago

Ramdam ko ang sakit ng salitang pinapalaya na kita mahal ko. Ginagawa ko kasi yan ngayon. Haha. Pero walang kaliwaan naman. Pinagtagpo pero di tinadhana. Meron pala talagang ganun. Gandang tula po. โ˜บ๏ธ

$ 0.00
2 years ago

Hanep dun sa "Nangaliwa mo g karelasyom." Ang sakit lang non ee pero ito na ata ang in ngayon ee, ang pangangaliwa tsk

$ 0.00
2 years ago

Ang chakit naman ng tula mamsh hehehe

$ 0.00
2 years ago

Sobrang sakit sis. Isa talaga yung dahilan na pagkakasira sa relasyon yung pangangaliwa. Bakit nga ba magawang mangangaliwa? Sobrang sakit yun sa part sa taong nasaktan.

Yes sis hindi minamadali ang pagpapatawad. Dapat kusa at hindi pinipilt.

$ 0.00
2 years ago

And sakit naman nito. Feel ko na talaga ang papalapit na araw ng mg puso. Araw ng mga nagmamahal, nagmamahalan, umaasa at ng mga taong nawasak ng pag-ibig.

$ 0.00
2 years ago

Nagsimula na talaga ang mga pang valentines na article sis,

Oo nga naman minsan may pagkakataon na magkakasala ka ang importante humingi ka ng pasensya kasi tao lang tayo magkakamali ang importante magbabago at mangangako na hindi na uulit pa.

$ 0.00
2 years ago

Totoo sis. May tamang oras ang pagpapatawaf. Minsan di natin e push ang sarili na magpatawad kahit alam mo sa sarili mo na di pa talaga kaya ng puso mo nagpatawad.

Pero ang sakit naman ng gawa mo sis. Mapanakit ahh hahaha

$ 0.01
2 years ago

Malapit na daw kasi ang araw ng mga puso sis kaya ayan mapanakit na artikol para sa lahat hahaha

$ 0.00
2 years ago