Klasmeyt Ko Noon, Asawa Ko Na Ngayon

9 32
Avatar for MrsPepper27
2 years ago

Sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din pala ang tuloy. Ang pagmamahalan natin na pinagtibay ng panahon, sa harap ng Maykapal din pala ang dulo.

Simulan natin sa umpisa, kung saan, paano kami nagkakilala? Sa unibersidad kami unang nagtagpo. Ikalawang taon namin pareho sa kursong Pamamahala ng Negosyo. Sikat ka dahil sa mata ng karamihan mabait, galante at masaya kang kasama. Pero hindi ako interesado sayo dahil may nobyo ako at alam kong may ibang babae ka na gusto noon.

Pero mapagbiro ang tadhana. Pinagtagpo tayo sa di inaasahang sitwasyon. Para maka-iskor sa babaeng gusto mo, nag-isip ka ng paraan para masorpresa sya. Biniro mo na magkaiba kayo ng seksyon pero ang totoo, sinundan mo ang kanyang iskedyul. Ang hindi mo lang alam, pareho pala kayo ng binalak gawin. Kaya naman sya na akala mo ay pang-umaga ay pang-hapon pala. At ikaw na akala nya ay pang-hapon ay nagpang-umaga para sa kanya. Ayan tuloy, hindi kayo nagkatagpo. O diba, pareho kayong nasorpresa?😂

Sa halip nga na sya, ako ang naging kaklase mo. Sa likuran ka lagi nakaupo habang ako nasa ikatlong row. Mapagmasid ka sa paligid mo. Parang lahat kami na kaklase mo ay pinag mamasdan mo. Sabi mo sakin (nung naging tayo na) nasaktan kita dahil sinupladahan kita nung minsang hiramin mo sakin ang nail cutter ko. Natatawa na lang ako sa tuwing maaalala yun dahil wala naman talaga akong intensyon na ganun. Lagi mo pang binabalik ang senaryo, yun ang first heartbreak mo, sabi mo.

MrPepper: Pwede ko ba mahiram yung nail cutter mo? (Hawak ang nail cutter ko)

MrsPepper: Ano pang magagawa ko e hawak mo na? (Pabiro kong sabi habang natatawa pa)

At nagtawanan ang mga nakarinig sa atin. Ngumiti ka din pero ang totoo nasaktan ka sa sinabi ko

Simula nun, napansin na kita. Naalala ko pa nga nung minsang sumayaw kayo sa harapan. Aaminin ko namangha ako, hindi ko akalain na magaling ka palang sumayaw. Hindi ko naialis ang paningin ko sayo. Ewan ko ba pero natulala ako. Alam kong nakangiti ako. Kilig ba ang tawag dun? Hanggang sa nagkaproblema ang klase sa isa sa mga propesor natin. At pinilit mo akong tulungan ka para maayos ang grado natin. Nilapitan mo ang grupo ko at tumayo sa harap ko. Sa harap ng buong klase pinakiusapan mo ko, kung maaari ko bang kausapin ang propesor natin at ang sagot ko ay 'Hindi'. Pero pursigido ka sa pangungumbinse sakin. Hindi ko alam pero nung mga panahon na yun nagtiwala ako sayo. Dahil sabi mo, 'kaya mo'. Buti na lang at nauto ko si tanda at naayos din ang grado natin sa wakas. Hiningi ko pa nga ang selpon number mo para makibalita sa resulta. Ang hindi ko alam, yun na pala ang magiging daan para sa mas malalim nating pagtitinginan.

Nung mga panahong ito, wasak ako. Dahil ang nobyo ko ay ginost ako. Bigla na lang di nagparamdam. Kinalimutan ako ng walang hiya. Wala akong balak na landiin ka pero sa tuwing magte-text ka ay gumagaan ang loob ko. Di ko namalayan, nahulog na nga ako. Pero ang hindi ko alam, mas nauna ka pa lang nahulog sa akin, pagtatapat mo,

MrPepper: Unang taon pa lang natin sa kolehiyo ay napansin na kita. Yung babaeng palaging huli sa unang klase. Yung babaeng palaging naka-pusod ang buhok. Yung babaeng palaging maingay at nakangiti. Totoong nagkagusto ako kay Rochelle kaya madalas ako nasa kwarto nyo noon. Pero hindi natuloy ang panliligaw ko dahil yun sayo. Siguro inadya ng tadhana na hindi kami maging magkaklase nung sumunod na semestre. Dahil mas nagkaroon ako ng pagkakataon na makita ka nang malapitan. Marinig ang boses mo nang matagal. Mas makilala at humanga sayo nang hindi mo alam. Alam kong may nobyo ka at akala ko ay kaklase din natin. Dahil sobrang malapit kayo sa isa't isa. Pero nung nalaman ko na magkaibigan lang kayo mula mismo sa bibig mo ay natuwa talaga ako. Sabi ko, may pag-asa pa ko. Wala akong balak na saktan ka. Sana hayaan mo akong ligawan ka.

Di ba dapat nagluluksa ako dahil iniwan ako ng nobyo ko. Pero bakit may parte ng puso ko ang natutuwa sa mga narinig kong sinabi mo? Sa dalawang naging mga relasyon ko, ako na lang lagi ang talo. Kung hindi niloko at pinagpalit sa iba, ay iniwan nang wala man lang paalam. Kaya naman nagdesisyon ako. Tataya ako sayo. Sa pagkakataong ito, dun ako sa alam kong makakapagpasaya sa akin. Wala mang kasiguraduhan kung hanggang kailan ang sayang nararamdaman ko ang importante ay naging matapang ako.

Naging masaya ang pagsasama natin. May tampuhan man pero nareresolba din. Hindi na ko muling nahuli sa unang klase. Kasi alam kong nag-iintay ka sa akin sa tambayan natin. Sabay tayong pumapasok, kumakain at totoong galante ka nga! Kasi lagi mo akong libre sa pagkain at pamasahe pauwi😂

Nung una ayaw pa sa iyo ng magulang ko, takot sila na baka di ako makatapos. Pero hindi tayo nagpatinag. Kahit na maaga tayo naglande, pinatunayan natin sa kanila na tayo'y responsable. Sabay tayong nakatapos, sa wakas! Magkahiwalay man ang landas na inuwian natin noon, alam ko sa susunod sabay na tayong uuwi sa iisang bubong.

Before anything else, check these awesome people's works too. They all rock!

Sponsors of MrsPepper27
empty
empty
empty

Ilang taon pa ang nagdaan, maraming bagay pa ang ating pinag-awayan. Pero kahit kailan, hindi mo binitawan ang kamay ko. Hindi man ikaw ang unang lalaking minahal ko, pero ikaw lang ang tanging lalaking tumupad sa lahat ng mga pangako mo. Sa iyo ko naramdaman ang pag-ibig na walang panghuhusga. Hindi madamot, mapagparaya, tapat at wagas. Sa iyo ko nahanap ang pag-ibig na walang hanggan. Masaya ako na pinili kong tumaya sayo noon. Ikaw ang Kwentong Noon, Ngayon at Bukas ko.

Pasok, Yeng!

Playing, Ikaw🎵🎵🎵

Hango sa totoong kwento pag-ibig ng inyong likod.

If you wanna know some of my daily activities, short posts or want to have some good vibes, you can visit my Noise account MrsPepper.

6
$ 0.18
$ 0.05 from @bbyblacksheep
$ 0.05 from @icary
$ 0.05 from @dziefem
+ 1
Sponsors of MrsPepper27
empty
empty
empty
Avatar for MrsPepper27
2 years ago

Comments

Awww. Ang sarap makabasa ng mga ganito. Dapat pala wedding souvenir niyo ay nail cutter. Hehe. Pareho tayo lagi din ako nakapusod...mula noon hanggang ngayon. Hehe. Bihira lang ako maglugay. 😁

$ 0.00
2 years ago

Siguro mamsh eh talagang nakatadhana kayo sa umpisa pa lang. Doon pa lang sa surprise kemerut eh do n sila nahswak kasi ikaw pala ang nakatadhana sa kanya, hehehehe..

$ 0.00
2 years ago

Wahahaha uu nga mamsh. Natawa din ako Nung unang beses nya sinabi yung tungkol sa surprise hahaha, epic fail hahaha

$ 0.00
2 years ago

For sure yun pagpili nya naman sayo eh di epic fail, hheheeh

$ 0.00
2 years ago

Eyy. After ko magbasa ng nakakatakot na article buti eto binasa ko at kinilig ako hahaha. Nawa'y hindi po magbago ang inyong samahan. Masaya po ako na may Mr.Pepper kayo! 😁

$ 0.00
2 years ago

Salamat bhie hahaha sa gabi ka magbasa ng nakakatakot para di ka makatulog HAHAHA

$ 0.00
2 years ago

Ayaw ko poooo hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Hello Mr. & Mrs. Pepper!! Nakakatuwa lang na hanggang ngayun, alam na alam nyo ang love story nyo. God bless po sa marriage life nyo at keep fighting!!

$ 0.00
2 years ago

Keekay salamat! Di ko pwede kalimutan yan magtatampo si mister hahaha God bless din sayo!

$ 0.00
2 years ago