Join 79,007 users and earn money for participation

Kapag Sinabi Kong Mahal Kita

12 22 boost
Avatar for MrsPepper27
Written by   72
2 months ago

Mahal, kapag sinabi ko sa iyong mahal kita ang ibig kong sabihin ay salamat. Salamat sa pagkakataong hinayaan mo akong mahalin ka, at maramdaman kong mahal mo rin ako. Ang pag-ibig mo ang bumuhay sa akin sa mahabang panahon.

Salamat dahil kahit madalas kang naiinis sa akin ay hindi mo ako iniwanan. Hindi mo ako binitiwan kahit ang hirap kong mahalin minsan. Kahit nakakapagod akong mahalin, hindi ka nagsawang ako'y unawain at nanatili ka pa rin sa tabi ko. Hawak mo ang kamay ko, ang iyong naging mundo.

Salamat kasi kahit hindi ako nakatapos ng kolehiyo ay hindi mo ako ikinahiya. Sa harap ng pamilya at mga kaibigan mo, buong pagmamalaki kung ako ay ikwento mo. Kahit kailan hindi ko naramdaman na minaliit mo ako. Alam kong wala akong maipagmamalaki sa iyong yaman at maraming pera, pero tinanggap mo pa din ako nang buong puso. Kasalo kita sa lahat ng tagumpay na natamo ko, kayakap kita sa tuwing ako ay mabibigo. Ikaw ang kalakasan at kahinaan ko.

Salamat sa lahat ng ngiti at sayang ating pinagsaluhan. Mga tampuhan at pag-aaway na ating pinaglabanan. Mga sandaling lalong nagpatibay sa ating samahan. Tutol man ang buong mundo sa ating pagmamahalan noon, salamat dahil hindi ka nakinig sa mga sinasabi nila sa iyo. Nasa akin ang tiwala mo, ang katapatan, at ang pagmamahal mo.

Salamat sa mga alaalang kay sarap balik-balikan sa aking gunita. Na babaunin ko hanggang sa kabilang buhay.

Mahal, kapag sinabi ko sa iyong mahal kita kalakip nito ang pangako na kahit saan man ako makarating ay ikaw lang ang aking iibigin. Na kahit ilang araw, buwan, taon o dekada pa tayong hindi magkita, mananatiling ako'y iyong alipin. Ng iyong maamong mukha na may kutis porselana. Ng iyong tawang nakakapagpagaan sa aking bitbitin. Alipin ako ng amoy mong sing bango ng sampaguitang iyong paborito. Alipin ako ng pagmamahal mo.

Mahal, kapag sinabi ko sa iyong mahal kita ang ibig kong sabihin ay malaya ka na. Malaya kang gawin ang mga bagay na gusto mo pang gawin. Tuparin mo ang mga pangarap na iyong isinantabi para sa akin. Lakbayin mo ang daigdig nang may ngiti sa iyong mga labi. Dahil hindi man ako ang kasama mo, magiging masaya pa rin ako para sa iyo.

Mahal, malaya kang magmahal ng iba. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa lungkot at pighati. Huwag mong hayaang ako ang huling lalaking iyong iibigin. Ang makita kang lumuha ng dagat ang huling bagay na nanaisin kong mangyari.

Mahal, kapag sinabi ko sa iyong mahal kita ang ibig kong sabihin ay patawad. Patawad sa mga sandaling wala ako sa tabi mo para punasan ang mga luha mo. Patawad sa mga pagkakataong pakiramdam mo ay nalimot kita. Patawad dahil hindi na kita masasamahan pa. Hindi ko na matutupad ang pangako kong panghabambuhay. Patawad dahil ako ang unang magpapaalam.

Patalastas! Huwag mong kalimutang bisitahin din sila.

Sponsors of MrsPepper27

Mahal kita, saksi ang langit at mga bituin sa kung ano ang kaya kong gawin maiparamdam lang sa iyo ang natatangi kong pag-ibig. At ngayong nalalapit na ang aking paglisan, nais ko lang malaman mo na ikaw lang ang babaeng minahal at mamahalin ko hanggang sa kabilang mundo. Hihintayin ko ang araw na muli tayong magtatagpo, hindi ako magsasawang maghintay sa pagdating ng sandaling iyon. Hanggang sa muli nating pagkikita, paalam na aking Mahal.

-Wakas-

Lead image from Unsplash.

Orihinal na likha ng malikot na pag-iisip ng inyong likod.

If you wanna know some of my daily activities, short posts or want to have some good vibes, you can visit my Noise account MrsPepper.

7
$ 0.34
$ 0.10 from @Ruffa
$ 0.10 from @carisdaneym2
$ 0.05 from @Bloghound
+ 3
Sponsors of MrsPepper27
Avatar for MrsPepper27
Written by   72
2 months ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

May malalang sakit ba si guy? Ang lungkot naman 🤕. Nga linyahan ng mga wagas magmahal na unang mamamaalam dahil sa karamdamang di nila ginustong mapupunta sa kanila.

$ 0.00
2 months ago

Hypertrophic cardiomyopathy ang sakit ni kuya💔 naalala ko lang yung sa SDTG, sakit ni Athena hahaha

$ 0.00
2 months ago

I'm sorry but I did not understand a thing because of language... am just here to upvote

$ 0.00
2 months ago

Hey! No need to apologize, the fact you dropped by to upvoted means a lot to me😍 this is written in Tagalog, main language we use in Philippines. Thanks, a lot @Theblackdoll, sending love💕

$ 0.00
2 months ago

Yes yes I'm aware of Tagalog, but don't know a thing haha... much love <3

$ 0.00
2 months ago

Oucchhh!!! Bakit naman ganon, kakaiyak naman po :D

$ 0.00
2 months ago

Sorry powwww hahaha hindi ko rin alam e, pero masaya naman love life ko😂

$ 0.00
2 months ago

Product of healthy imagination :D

$ 0.00
2 months ago

Tumitibok-tibok pudo ko sa mga article nyo. Ano ba meron ngayon bat arang kahat nakakatagos sa puso HAHAHAHA

$ 0.00
2 months ago

Sorry na, kasalanan ng wattpad hahaha

$ 0.00
2 months ago

Ang sheket naman nyan, sis! Tagos sa puso!

$ 0.00
2 months ago

Sorry na sis, kakabasa ko ng wattpad hahaha ILYS1892💔

$ 0.00
2 months ago