Join 79,007 users and earn money for participation

Gaano Kahaba .. Ang Pasensya Mo?

25 32 boost
Avatar for MrsPepper27
Written by   72
3 months ago

"Ang pera natin hindi basta-basta nauubos. Pero ang pasensya ko, konting-konti na lang!" -Jacqueline ng One More Try (2012) na ginampanan ni Angelica Panganiban

Likha mula sa Canva

Ano ang Pasensya?

Ang Pasensya ay isa sa apat na pangunahing birtud, kasama ang Kabaitan, Katarungan at Katatagan. Sa lahat, ang pagpipigil o pagiging mapagpasensya ang pinakapaborito ko. Noong una hindi ko alam kung bakit pero di naglaon nalaman ko rin ang sagot.

Ang salitang pasensya ay mula sa Latin na "patienta". Nagmula ito sa pandiwa na "pati" na nangangahulugang "magdusa" , samakatuwid, ang pasensya ay makikita kung ang isang tao ay may kakayahang tumagal sa kabila ng kahirapan na pinagdadaanan. Ito ay ang katatagang taglay ng tao na manataling kalmado at may pagpipigil sa sarili na hindi makagawa ng mga bagay na hindi kaaya-aya, o hindi padalus-dalos.

Bakit Kailangan ng Pasensya?

Para saan nga ba ang pasensya? Bakit kailangan natin nito? Hindi madali ang maging pasensyosong tao. Sa totoo lang, mataas ang respeto ko sa mga taong kayang panatilihing kalmado ang kanyang sarili kapag nahaharap sa mabigat na pagsubok. Kalmado, isa yan sa mga benepisyong kaakibat ng pagiging pasensyoso o yung mahaba ang pasensya. Sa ganoong paraan, mas makakapag-isip tayo nang maayos at tama. Hindi tayo nagiging padalus-dalos at maiiwasan natin ang mga maling desisyon.

Bukod pa diyan, isang dahilan kung bakit kailangan natin ng pasensya ay para sa mas maayos na pamumuhay. Isipin mo na lang kung wala kang pasensya, paano mo haharapin at lalagpasan ang mga hamon ng buhay? Ibig bang sabihin na susuko ka na lang bigla kapag nakaramdam ka ng paghihirap? Tandaan mo, ang mga pagsubok at paghihirap ay parte ng buhay. Bigay ito upang sukatin ang ating katatagan. Kung hanggang saan ang ating pananampalataya. Samakatuwid, maihahalintulad ang pasensya sa pananampalataya.

Gaano kahaba ang Pasensya mo?

Likha mula sa Canva

Kung ako ang tatanungin, walang sukatan ang pasensya. Dahil naniniwala ako na kahit gaano man kahaba ang pasensya ng isang tao ay may hangganan din ito. Dadating sa punto na mapapagod tayo. Mapapagod umasa, tumulong sa iba, maging magparaya. Mapapagod tayo sa paulit-ulit na sitwasyon, paulit-ulit na pangyayari lalo na kung lahat ay hindi naaayon sa gusto nating mangyari.

Sa totoo lang, mahaba ang pasensya ko pero may isang tao lang talaga ang nakakapagpaikli nito, ang mister ko. Hindi ko rin alam pero pagdating sa kanya, ang bilis kong mapikon. Nakatatawa mang isipin pero totoo, mas mahaba pa ang pasensya ko kay Prince kumpara sa tatay ni Prince hahaha.

Patalastas! Huwag mong kalimutang bisitahin din sila.

Sponsors of MrsPepper27

Ikaw ba? Sa tingin mo, gaano kahaba ang pasensya mo?

Ang Sa Akin Lang

Ang pagiging pasensyoso ay tanda ng pagkakaroon ng matinding pananampalataya hindi lamang sa ating sariling kakayahan higit sa lahat sa kakayahan ng Amang Lumikha sa ating lahat.

-WAKAS-

Sangunian

Orihinal na likha ng malikot na pag-iisip ng inyong likod.

If you wanna know some of my daily activities, short posts or want to have some good vibes, you can visit my Noise account MrsPepper.

10
$ 0.46
$ 0.20 from @Ruffa
$ 0.05 from @Bloghound
$ 0.05 from @bbyblacksheep
+ 4
Sponsors of MrsPepper27
Avatar for MrsPepper27
Written by   72
3 months ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Hahahaha. Natawa ako doon. Sadyang meron talagang mga tao kubg saan maikli ang ating pasensya. Ako iniisip ko na lang na kailangan ko habaan talaga ang pasensya ko sa kahit anong sitwasyon. Yung bang kapag nararamdaman ko na talagang mauubos na ay kakausapin ko si God tapos lalayo na lang muna ako para talagang hindi masagad ang aking pasensya. Yun bang hindi ko muna kakausapin ng ilang oras. Magpapalamig ba ga. Hehe. 😅

Inimagine ko talaga si Angelica Panganiban at yung mga scenes nila.

$ 0.00
1 week ago

Ubos na din yong Pasensyang binili ko sa bakery huehue, chor lang.

Ako madaling mapikon ee, lalo na pag nagtuturo akk. Mabilis maubos ang pasensya ko talaga. Lalo na pag di naget agad. Ewan, mainitin na din ulo ko ngayon ee hahaha.

$ 0.00
3 months ago

Hahaha minsan ganyan din ako lalo na pag sa pamangkin ko, pero sa ibang tao hindi naman. Bakit kaya?🤔😅

$ 0.00
3 months ago

Actually yan ang kelangan ko now dahil ang tagal tagal nung van. Lakas kasi ng ulan kaya ang hapon na byahe naging gabi na. Hay buhay oo.

$ 0.00
3 months ago

Nakow! Ingat po kung nasan man kayo ngayon. Sa amin biglang buhos ang ulan. Ang masasabi ko lang, inhale exhale na lang muna. Tiis tiis din pag may time :)

$ 0.00
3 months ago

Exactly hahaha. Mahirap bumyahe pag umuulan kaya wait ko n lng sila.

$ 0.00
3 months ago

Di ako madaling magalit liban nalang sa kapatid ko na sobrang pinapainit ulo ko. Lol!

$ 0.00
3 months ago

Bunso ba yan? Hahaha kadalasan kasi sa mga bunso, lakas mang asar e hahaha

$ 0.00
3 months ago

Naku naman, kanina lang, nasukat talaga ang aming pasensya. Bilang isang guro, kinakailangan talaga ang malawakang pasensya, pero minsan talaga hindi maiiwasang hindi mapuno. Disiplina lang talaga sa sarili para makontrol ang saril na palawakan pa ang pagpapasensya.

$ 0.00
3 months ago

Saludo ako sa mga guro. Kayo ang araw araw na nauubusan ng pasensya. Maraming salamat dahil napapahaba nyo ang pasensya nyo para sa ikabubuti ng mga estudyante nyo, Mam.

$ 0.00
3 months ago

Awee, thank you po 💜

$ 0.00
3 months ago

Bakit may talong po sa lead image? Hahaha sorry po nadistract ako hahaha.

Ako po masasabi ko na mahaba ang pasensya ko pero may sitwasyon talaga na parang ang iksi lang niya siguro pag hindi maganda mood ko tapos masasabayan pa ng kung ano. Hahaha.

$ 0.00
3 months ago

Bakit nga ba?🤔 Sa tingin mo? Hahaha

Overall siguro mahaba pasensya natin, pero may mga times na iiksi talaga depende sa sitwasyon at sa kausap hahaha

$ 0.00
3 months ago

Ayaw ko po mag talk hahaha

Opo nga depende din talaga haha

$ 0.00
3 months ago

Mayamutin kase ako sis pero feel ko yan maikli pasensya sa taong mahal mo, sabi nga nya sakin bakit ang bait at sweet mo sa iba pero pagdating sa akin palagi ka ng galit.. pero na love na love ko bebe kong yun... hehe ewan bakit ganun...🤣

$ 0.00
3 months ago

Wahahaha ganun talaga ata pag si partner ang nang asar satin noh sis hahaha

$ 0.00
3 months ago

Ako talaga eh maikli ang pasensya ko,hahahhah. Pero kaya naman iextend kung kinakailangan tlaga,hehe..

$ 0.00
3 months ago

Hahaha gusto ko yung may extension mamsh.

$ 0.00
3 months ago

hahahah, extend ng extend gang sa wla na maextend,hehehehhe

$ 0.00
3 months ago

Ang haba ng pasensya ko, kahit nasaktan at nahihirapan na ako, iiyak ko lang yan at iniintindi ko pa din ang mga taong nasa palagid ko.

$ 0.00
3 months ago

Salute you! You deserve a hug. Pero you also need to consider yourself. Hindi rin healthy na ikaw ang palaging nag-a adjust sa kanila.

$ 0.00
3 months ago

Thanks, tama kaya nga minsan napagsabihan ko din sila.

$ 0.00
3 months ago

Ang pasensya ko sa umutang sakin 3 yrs ago, sis is 2% na lang 😁

$ 0.00
3 months ago

Nakow! Mahirap yan sis hahaha by the end of the year baka mag negative pa yan hahaha

$ 0.00
3 months ago

hahaha

$ 0.00
3 months ago