Masaya ka ba?

8 29
Avatar for MrsPepper
2 years ago

Masaya ka ba? Masaya ka ba sa piling nya? Masaya ka bang yakap mo sya? Nakakulong sa mga brasong dati'y sa akin naka-akbay.

Masaya ka ba? Masaya ka ba na hawak mo ang kamay nya? Ni ayaw mo bitawan kahit panandalian lamang.

Masaya ka ba? Masaya ka ba na kasama siya? Kasabay sa pagkain ng agahan, tanghalian at hapunan? Ipinagluluto ka rin ba nya ng mga paborito mong ulam.

Masaya ka ba? Masaya ka ba sa kanya? Sa kanya na kailan mo lang nakilala. Sa kanya na sa telepono mo unang nakausap. Sa kanya na kaibigan mo lang noong una.

Siya na sabi mong hindi ko dapat pagselosan. Pagkat sabi mo kailanman hindi mo ko bibitawan. Pero ano ang nangyari? Sa isang iglap, ibang kamay na ang iyong hawak.

Minsan mo pa ngang pinakilala sa akin nung kaarawan mo. Nagulat ako dahil pareho pa kayo ng suot. Tanong tuloy ng mga tao, siya na ba ang bago mo?

Tumawa ka, tumawa rin ako. Sabay sabi mo, 'hindi, nagkataon lang yun'. Pero hindi iyon ang naramdaman ko, alam kong may hindi tama nung mga sandaling iyon.

Pilit kong inalis sa isipan ko ang magduda sa inyo. Dahil buo ang tiwala at pagmamahal ko sa iyo. Ngunit iba ang sinasabi ng mga kilos at galaw nyo. Alam kong may iba, may iba sa inyo.

Kasabay ng pagiging malapit nyo sa isa't isa ay ang unti-unting paglayo mo sa akin, sinta. Naalala mo, tinanong pa kita noon. Pero sa halip na sagot, tanong din ang binigay mo.

'Bakit kelangan pang itanong ulit? Walang ngang namamagitan sa amin'. Galit ka pa nga nang sabihin mo yan, tila ba kasalanan ko pa ang lahat.

Kaya naman di na kita kinulit pa. Hinayaan na lang kita dahil sabi mo sa akin ako lang. Pero mali pala nung pinayagan kita na umakyat ng bundok na kasama siya.

Kasi pagbaba mo hindi na kita kilala. Hindi na ako ang dahilan ng mga ngiti mo. Ibang balikat na ang sinsandalan mo. Ibang tao na ang gusto mo. Hindi na ako ang mahal mo.

Pareho nating alam na may nag-iba. Pareho nating napansin na tila wala nang sigla. Ang dating samahan natin na puno ng saya at tawanan biglang nabalot ng lungkot at katahimikan.

Hindi ko naisip na hahantong tayo sa ganito. Ang samahan na matagal nating binuo. Iningatan, inalagaan, pinaglaban. At sa huli ako na lang pala mag-isa.

Hindi ko alam sino ang nagkulang. Ako ba o ikaw? Hindi ko na maalala. Ang totoo, hindi ko na rin inalam. Wala na din namang saysay.

Masaya ka ba? Na Siya ang pinili mo, at hindi ako? Ako na sa simula pa lang ay nasa tabi mo na. Ako na alam ang lahat tungkol sa'yo. Ako na unang minahal mo.

Kasi kung oo ang sagot mo sa lahat ng tanong ko, magiging masaya na rin ako para sayo. Dahil ang kaligayahan mo ay kaligayahan ko. Pinapalaya na kita kasabay ng pagpapalaya ko sarili kong bilanggo ng pagmamahal ko sa iyo.

Pasok, Moira!

Playing 'Paubaya'🎵🎵🎵

All images from Unsplash

8
$ 0.23
$ 0.10 from @dziefem
$ 0.05 from @francescawrites
$ 0.05 from @EirJane.05
+ 2
Avatar for MrsPepper
2 years ago

Comments

Bakit ang sakit naman po? Pero sa true lang sana masaya siya at alam ko sasaya ka rin someday. Maaring umiyak ngunit tandaan mo, lilipas rin ang mga luha at makalalaya ka rin sa tanikala ng sakit. Marahil ganito talaga ang tunay na pag-ibig, masakit ngunit kailangan magpalaya at umunawa.

Kaiyak naman :<

$ 0.00
2 years ago

Aino ba to ha, sarap tiriain pati un third party.. Imbyerna talaga ako sa mga ganitong scenario, nagbabalik ang nkaraan eh, hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Ateeeeeee!!!! You made me cry!! Ang sakit sakit naman nito. 😭 bakit may mga ganong tao na hindi nalang muna makipaghiwalay bago maghanap ng bago?!! 😭 Paubaya nalang talaga para makalaya na rin ang sarili mo. Hays.

$ 0.00
2 years ago

Dahil siguro hindi pa sila sigurado kung sino ba talaga yung mas matimbang sa dalawa. Kaya sa halip na iwan agad ang isa at sumugal na sa pangalawa ay pinagsasabay na lang. Segurista ba, genern hahaha

$ 0.00
2 years ago

"Pero mali pala nung pinayagan kita na umakyat ng bundok na kasama siya. Kasi pagbaba mo hindi na kita kilala.

Hindi na ako ang dahilan ng mga ngiti mo. Ibang balikat na ang sinsandalan mo. Ibang tao na ang gusto mo. Hindi na ako ang mahal mo."

anggg sakittt noooonnnnn 😭😭😭😭

$ 0.00
2 years ago

Pasensya na hahaha kaya wag mo paakyatin ng bundok na iba ang kasama, dapat ikaw ang kasama. Masaya ka naman ba? LOL

$ 0.00
2 years ago

Ang aga aga pa po e. Ansakit naman.

$ 0.00
2 years ago

Sorry pows hahaha kunware na lang di mo pa nababasa ah hahaha

$ 0.00
2 years ago