read.cash Log in
M@Mr.mathwizard-00 more from that month

Ang paglaya sa kuko ng mga agila

Naririnig mo ba sila? Munting tinig na pumapasok sa tenga Bumobulong "ituloy mo na Para matapos na hindi bat wala ka namang halaga? Taposin na ang buhay na walang kwenta Sige na ituloy na" Mga boses na nagbabanta Walang mapaglagyan ang saya Hindi mawari ang katwiran Tila dinidiktahan Nilalamon ng kalungkutan Nais makaahon Subalit hinihila ng napakalaking alon Alon ng problemang patuloy ang pag-agos Problemang patuloy Na tinatapakan ang saya Nalimutan nang ngumiti Dahil hindi na naalala Nais kong maging malaya Nais kong sumaya Ngunit parang wala na Wala ng dahilan upang ikurba pa Mga labi na sana ay mapapaglagyan ng saya Saya na lagi kong tinatamasa Ngunit tila hindi ko kaya Para akong isang papel na hindi manlang nasulatan O natuluan ng tinta Walang marka, walang saya Magpapanggap na lang na masaya Kahit nahihirapan na Pagod na pagod na sa ganitong sistema Sistemang paulit ulit Paulit-ulitt na humihila Sa aking sarili upang maging masaya Kayat heto ang maskara Isusuot sa sandaling nahihiya Na iharap ang totoong mukha Sa araw-araw makikita sa mga labi ang ngiti at saya makikita sa kanyang tawa kung gaano siya kasaya pero nakatago sa mapanlinlang na mukha ang sakit at kirot ng kanyang nadarama na halos lamunin na ng dilim ang dilim na iyon ang kanyang kinakatakotan ngunit kanyang kinaibigan dahil wala naman siyang magagawa sa kanyang nararamdaman dahil mukhang problema lang ang kanyang naging kaibigan Hindi maiwasan na tumingin sa salamin At sasabihin sa sarili "sino ba talaga ako't Bakit pa ako naririto Kung tingin ng mga tao ay wala akong silbi?" Maraming katanungan Ngunit uhaw sa kasagutan May halaga ba talaga ako? O sadyang wala lang talagang pakialam sa kin ang mga tao. Narito sa isang silid na balot ng dilim Nababaliw at hindi alam ang gagawin. Aking hinanap ang sarili sa ibang kaanyuan Bumalik sa pinagmulan upang sundan ang bakas ng nakaraan Kung saan dati ay may kalayaan Sinubukang maglakbay Sa balikat ay may nakaagapay Inisip nalang na silay hakbang Upang maging matagumpay Hindi ko hinayaan na ako'y Lamunin ng dilim Kayat sa sandaling napagod na sa pagpapanggap At tinanggal na ang maskara Upang makalaya na sa mga kuko ng agila Upang ako ay makawala Sa kulungan ng lungkot at problema Lungkot na ngayon ay mapapalitan ng saya Sapagkat ngayon ay malaya na Malayang gawin ang lahat Ng walang iniindang problema Problema na ngayon ay wala Sapagkat ito ay nanantiling ala-ala Ala-ala na magpapaalala Na minsa'y akong isang lungkot Ngunit ngayon ay isang ibong malaya Ipinagpatuloy ang paghakbang At namasdan ang katotohanan Katotohanang binabalot ng kasiyahan Na ang buhay ay mahalaga At mahiwaga Mahiwang na tinitingala Ng mga ibong malaya sa itaas Mga ibong sa kulungan ay Kung kaya't Ikaw, ako, tayo ay may halaga Hindi lang natin nakikita dahil nakatuon an gating atensyon Sa mga bagay na hindi naman talaga mahalaga Ito ang rason kung bakit ipinagpatuloy ko ang aking paghakbang At narating ang aking kinatatayuhan. Kayat kayo na kagaya kong hindi makaahon Na kahit ilang salamin pa ang iharap sa kanya Ay hindi parin makita ang tunay na halaga Halinat sundan ako Tumakbo ka ngunit huwag kang hihinto Sige lang maglakad ka lang pero huwag karing hihinto Dahil wala pang nanalo sa buhay na pinili ang sumuko Huwag ka naring magpaggap sa tunay mong anyo Kapatid ito lang ang aking mapapayo Tapakan mona ang lahat wag lang ang sarili mong anino. ITO NA ANG KATAPUSAN NG KWENTO AT SANAY NAMULAT KAYO SA BUHAY AY NAKAKUBLI ANG MARAMING HINAGPIS, LUNGKOT AT LUMBAY NGUNIT ENDING MAGIGING MASAYA KARIN TANDAAN NA ANG BUHAY AY ISANG GULONG MINSAN IKAW AY NASA ILALIM NGUNIT TANDAAN NA ANG KALIGAYA AY KASIYAHAN SA BUHAY AY TITILA RIN HUWAG KANG SUMUKO KAIBIGAN DAHIL ANG TUNAY NA KABATAAN AY WALANG SINUSUKUAN.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.