read.cash Log in
@MovingColors.25 more from that month

Losing Hope after their death

Masakit mawalan ng ama at naging mas mahirap pa noong nawala ang aking ina. Hindi namin naisip na ang trahidyang dinanas namin magkakapatid ay mauuwi sa away. Swerti lang siguro kami dahil may iniwan na ari-arian ang aming ama at ina. Nagsimula ang away dahil sa gusto ng magkapatid ko na ibenta ito ngunit mahirap isipin na ang pangarap ng aming ama ay mauuwi lang walang pakinabang. Apat na taon ang ginogol ng aming magulang dito sa bukirin at puno ng taniman (Rubber tree). Nawawalan na ng pag-asa noong bumisita kami sa aming farm ay nakita ko kung gaano kasira na ang aming resthouse. Wala ng taong nakatira rito dahil wala na silang maasahan sa amin. Ang mga kapatid ko naman ay sobrang nadismaya dahil sa kanilang nakita. Inisip ko na rin kung bakit maaga silang nawala. Bakit walang paalam? Bakit hindi pinaubaya sa amin ng maayos? Dami kong tanong at mga luha kong di maitago. Mga dama na ninais kong balikan sa kanilang dalawa. Mga yakap na kailan man hindi ko malilimutan ang pagmamahal ng aking magulang. Daming ala-alang pinagdaanan sa kanilang dalawa. Heto lang ako pilit itago ang panghihinayang saking mga kapatid ang sakit ng aking damdamin. Marami din ang nagkainterest sa aming lupain ngunit ayoko. Ayaw kong ibenta ang aking shares sapagkat tangi ito lamang ang nagbibigay sakin ng ala-ala. Naisip ko rin kung ano ang maibibigay kong mana saking mga anak o apo sa kanila kung ako ay mawawala na. Pagiging masipag at kayod ito ang aking lakas upang magkapera para ibudget sa pagpaparepair ng bahay at muling iahon ang farm ng aming magulang. Mahirap talaga pero kakayanin ko dahil hindi na ako makakaasa pa saking mga kapatid dahil ako lang ang bunso na may trabaho. Si kuya na tanging driver, pagmomotorsiklo lang ang ginagawa niya ngunit walang anak at asawa. Si ate na may dalawang anak at hiwalay sa asawa former OFW ngunit hindi na nakabalik dahil sa dalawang taong pandemic. Hindi rin kami mayaman at pinamana ang utang na hindi na bayaran ng aming mga magulang. Utang na dinaanan ng maraming taon, bakit ngayo'y nawala na ang aming magulang dito pa sa amin naniningil? Hindi ko kilala ang iba at pilit kinukuha ang mga gamit dahil yoon nalang daw ang kapalit sa halagang inutang ng aking mga magulang. Wala rin akong nakitang pera na itinabi ng aking mga magulang sa bahay, sa kwarto o sa tindahan. Nakakahiya man sa nakita ng aming kapitbahay, mga kamag-anak, kaibigan, at iba pang kakilala ng aking mga magulang sa kanilang nadiskubre sa aming pamilya. Marami ang nagtaka dahil hindi makikita sa aming kasuotan o pagkain ang kahirapan. Hindi rin makikita sa hugis ng aming katawan at kulay dahil nakakakain naman kami ng masustansyang gulay at karne. Nahiya kaming magkakapatid dahil pati ang aming tiyuhin ay pinipilit rin na may makukuhang mana galing sa aming ina. Siyempre, hindi namin hinayaan na makuha nila ang dapat sa amin. Pati ang benefits ng iba't ibang ahensya ng gobyerno inapplyan ko na ng burial assistance para may maidagdag sa gastos namin, dahil kahit anong gawin namin kulang na kulang pa rin tapos aagawin lang basta basta. Lahat ng naipondar ng aking mga magulang ay halos naubos na. Wala din sa amin ang nagkainterest sa rubber tree. Walang nagmana sa aming ama kung paano maghandle sa bukirin at hayop. Kaya naman lubos na nanghinayang kami kung bakit walang maasahan sa amin tatlo at kulang sa determinasyon. Nasa huli ang pagsisisi. Ngayon, iba iba na ang aming pananaw sa buhay. Nagpasya kaming tatlo na sa isang bahay kami titira at lahat ng gastusin ay dapat equal. Pantay dapat dahil kaming lahat sa bahay ay gumagamit ng appliances. Ngunit, ang pinagkakabahala ko ay ang kanilang bisyo. Si ate ay maninigarilyo noon pa man na buhay pa ang aming magulang ay pinakitaan na nya ito ng hindi magandang ehimplo at sinabihan na rin ito ng aking mga magulang. Si kuya naman ay may bisyo rin naninigarilyo at umiinom din kaya naman sa kanyang katawan ay punong puno ng fatty liver. Maging ang kanilang labi ay sunog na sunog. Pinagsabihan ko na sila noon pa na kailangan kumuha na sila ng insurance sa Philhealth at SSS nang sagayon hindi kami mamomoblema ng sobra sa bulsa. Pinakinggan lang ako nila ngunit walang plano sa buhay. Ayoko na darating ang panahon na kaming tatlo ay mag-aaway dahil sa ako lang ang may trabaho. Dito ko natutunan na kailangan pahalagan ang ating kinabukasan at kalusugan, maging masipag at tiyaga sa pag-aaral, maging magandang ehemplo sa kapwa. Dahil masakit balikan ang nakaraan. @AsianDreamer 4/18/2022

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.