Respect begins Respect!

0 21
Avatar for MoonLight20
3 years ago

Virginity matters but Pure Love doesn't care about it kasi minahal mo siya dahil tanggap mo siya.

" Love does virginity really matters ? Is virginity important to you ?

seryosong tanong ng girlfriend ko sakin habang tinititigan niya ako

Napatigil ako sa tanong niya dahil ayokong magkamali sa sagot ko.

" Okay lang Nic, alam ko syempre kong ano isasagot mo, gift yun para sa inyo diba? Syempre ako din I respect you.

Sagot niya habang nakangiti sakin. Di ko alam pero hindi lang isang beses siya nagtanong sakin ng ganun, paulit-ulit, ilang beses na. We're 5 months in a relationship, I respected her fully, kasi siya kasi yung klaseng babae na dapat talaga respetuhin. I mean para sakin kahit ano kapa kilangan kang respetuhin.

' Hatid na kita pauwi

" Di na, baka may makakita pa satin. Sige na Nic mag iingat naman ako, I love you

Sobrang private ng relasyon namin ni Sheina, ayaw niya kasing maraming nakakaalam sa relasyon namin.

Kinabukasan noon, habang kausap ko ang old friend ko

" Hoy Nic yun na ba yung pinagmamalaki mong girlfriend, yung kasama mo kahapon ?

tanong ng kaibigan ko na si Roy

' Huh?? Ahh oo siya yung girlfriend ko

sagot ko dito

" HAHHAHA taena Nic, alam mo bang kilala ko ex nun? Haha alam mo bang di na yon virgin? Pre ako pa sayo hiwalayan mo na yon kasi ilang beses na yon nalawayan ng ex niya.. Dude utak mo gamitin mo.

Nanginginig ako sa galit, di ko napigilan kaya sinuntok ko siya. Di ko alam pero parang ginagago nila girlfriend ko.

' Wala kayong respeto!

sigaw ko dito, pagkatapos ko siyang suntukin sa mukha

" Bobo! ano pagtatanggol mo yang syota mong marumi na? Bobo mo Nic!

Pinigilan kami ng mga tao, dahil di ako nakapagpigil sa galit..

Don ko naisip, kaya siguro palaging tinatanong ni Sheina about virginity, tungkol siguro sa past niya.

Nilakasan ko ang loob ko na tanungin si Sheina about past niya.. Pero isa lang ang nakuha kong sagot.

" Nagmahal lang naman ako e, Nagmahal lang ako, nagmahal lang..

Sagot niya habang umiiyak

Yun agad ang sagot niya, kahit di ko pa tinanong kong anong mga nangyari sa kanila

Grabe kitang kita ko sa mga mata niya yung pagsisisi, puno ng takot at hinanakit. Kaya niyakap ko siya agad ng mahigpit. Promise nakakapanghina talaga ng loob pag nakikita ko siyang umiiyak.

Magmula nun, binago ko ang estado ng relasyon namin. Ayoko na ng patagong relasyon kaya niyaya ko siyang mag date kami. Ngunit habang nag uusap kami biglang may lumapit samin.

" Pre.

Tinapik ako ng isang lalaking may tattoo sa katawan na kaedad ko lang.

" Ikaw pala ang bagong boyfriend nito?

' Bakit?

" Ako lang naman yung ex niya, ano pre naka score kana ba? Ilang beses na?.. alam mo nung kami pa dati grabe maka iyak yan. baliw na baliw sakin. Kaya ayon hahha nakuha ko ang gusto ko, nakakatuwa nga pag kinukwento ko sa mga kaibigan ko ang mga nangyari samin e. Kaya ano naka score kana ba?

Napahawak si Sheina sa braso ko ng mahigpit na mahigpit habang tumutulo ang luha at nakayuko lang..

" Talaga ba? sobrang saya mo ba? sinaktan mo na nga siya, tas ning kahit isang kusing na respeto wala ka?

' HHAHAHA bat ko naman rerespituhin yan? eh baliw na baliw yan sakin! diba Sheina?

Hinawakan niya si Sheina sa balikat kaya tinulak ko ang lalaki at sinapak ito ng maraming beses.. Wala siyang laban kasi natumba siya at mas matangkad ako sa kanya. Ang tindi ng galit ko, buti nalang may mga taong dumating at pinaglayo kami.

Ngunit simula nung nangyari, di na nagparamdam si Sheina, Pag binibisita ko siya iyak siya ng iyak at sising sisi sa mga nangyari nung nakaraan niya.

" Ngayon mo sabihin kong mahal mo pa rin ba ako! Kaya ayokong makita ng mga kaibigan mo kasi ayokong pagtatawanan lang nila ako,.. Alam kong marumi na ako. Alam ko yon! Mali ako sa mga desisyon ko na kahit alam kong mali nagpabulag ako sa pagmamahal.

Pinatong ko ang ulo niya sa balikat ko at nilagay ang kamay niya sa dibdib ko

" Ano ramdam mo ba yung beat? ng heart ko? Sabi niya Sheina, sheina, sheina.. oo pangalan mo palaging binabanggit nito

Napangiti siya sa banat ko.

" Palagi mong tinatanong sakin kong mahalaga ba ang virginity.. Yes mahalaga, pero mas mahalaga yung rerespituhin mo pa rin kahit wala na siya non, di porket wala na yun, eh maliit na tingin mo sarili mo, I'm here, tanggap ka.. ang mahalaga tanggap mo rin sarili mo. Virginity matters but pure love doesn't care about it, kasi mahal kita dahil tanggap kita kahit ano kapa..

Ngumiti siya ng sobrang tamis. Alam Kong ramdam niya yong love.

Always remember kahit wala na sa kanya yung virginity you should respect her well

Mahal mo siya kasi virgin siya? Bro di yan pagmamahal, pinapakita mo lang na hindi mo na siya kayang mahalin pag may nalaman ka about sa kahinaan niya noon.

Hindi porket mahal na mahal ka, aabusuhin mona.

You're not a real man kong wala kang respeto

Tsaka di nakakatuwa na lagi mong pinagmamayabang ang mga nangyayari sa inyo. Kong wala na kayo keep it private nalang, respeto nalang sana.

Maniwala kaman o sa hindi, hindi yan ibibigay ng babae kong hindi ka niya pinagkakatiwalaan at mahal.. Kahit alam niyang mali.

Kahinaan ng babae? Gagawin nila ang lahat para lang sa taong mahal nila para di lang sila iwan but girls always remember na pag alam mong inaabuso kana o mali na. Itigil mo na kasi wala namang masama pag nagpalaya ka.

Photo not mine!

-1
$ 0.00
Avatar for MoonLight20
3 years ago

Comments