It's not an ordinary day

19 56
Avatar for MommySwag
2 years ago

February 15, 2022

Blog#04

Hindi gaanong naging productive ang araw ko ngayon dahil sa naghapit kami ng anak ko sa module niya na kailangan maipasa ngayong araw. Buti nalang mabait yung teacher niya at pinagbigyan pa kami ng ilang oras, 12 noon dapat ang last pasahan pero nagextend si teacher kahit mga 3 pm ay maghihintay siya. Naginform din siya sa group namin,para sa mga magulang na hindi pa kumukuha ng module at the same time yung mga hindi pa nagbabalik.

Yan ang message ng teacher ng anak ko sa messenger group namin. So kanina pag-punts ko sa school nalaman ko na marami pa palang nanay ang hindi nagbabalik at kumukuha ng module. Napaisip tuloy ako na gahol na gahol ako kanina tapos may mga magulang pala na hindi man lang iniisip yun. Lagi kasing ganun ang nakikita ko,kaya napapaisip ako dun sa mva magulang nung bata,maging sa mga bata kung bakit hindi on time ang pagbalik at pagkuha nila. Sa totoo lang inis na insi ako kanina, dahil late na kami ng anak ko sa pagbalik ng module tapos malalaman ko na may mga magulang pala na parang wala lang sa kanila yung module. Sorry to say! Pero ano pa kaya ang matutunan ng bata kung sa simpleng pagbabalik at pagluha ng module is ganun na sila ka iresponsable? Nanay ako and i know the feeling na nakakastress ang module,at isa pa dagdag trabaho. But my G! For the sake of your children, it's our responsibility to give it on time and tutor our child for their sake. My golly Wow,! Hindi ko talaga sila maunawaan?

Ako bilang nanay ginagawa ko ang lahat para sa anak ko, lahat ng pwedeng gawin gagawin ko for them. Even yung mga katula nito, hindi ako magaling gumawa ng article but still I'll try. Hinahati ko ang oras ko,sa gawaing bahay, pag-aalaga,pag-luluto,pag-tuturo at ang kumita ng kahit konti. Kaya nalungkot ako na nakadalawang post lang ako sa noise.cash at ito nahuli na yung pag-gawa ko ng article sa read.cash sana mahabol ko ito ngayong araw.

Kanina pala habang nagaaral kami ng panganay ko,umalis o paalis ang mister ko para magbayad ng bill ng internet. So para walang istorbo samin ng daughter ko,pinasama ko yung bunso kong anak na lalaki. Sinama naman siya ng mister ko,kaya ang naiwan sa bahay ay kami lang ng anak kong babae. Busy ang anak kong babae sa pagsagot sa module niya habang ako naman ay busy sa mga gawaing bahay. Tinatawag niya ko kapag may mga hindi siya naiintindihan, kaya ako naman ay humihinto sa aking ginagawa upang ipaunawa sa kanya yung tanong na yun. Dumaan ang ilang oras ay nakauwi naman na ang aking mag-ama, shempre sa mga oras na yun ako naman ay nasa taas at nagliligpit sa aming kwarto,nagbibilad ng aming mga unan at kumot. Nang marinig ko ang bunso ko na nag Mommy! Mommy! Nakita niya ko sa balcony at ibinigay sakin yung hawak niya. "Mommy this is for you",sabay abot ng bulaklak na dala niya.

Hindi man siya fresh or hindi man siya marami katulad ng i love you. Sobrang na appreciate ko yung flower na bigay ng bunso kong anak na lalaki,knowing na 3 yrs. Old palang siya but he know's kung paano maglambing at maging sweet. Sabi ng mister ko yung anak ko daw ang nagpabili niyan,sabi niya give it to mommy daw. Nung makita niya yung stall ng mga bulaklak, niyaya niya yung papa niya and bili daw sila. Kaya sobrang naapreciate ko ang bigay ng bunso ko, hindi man sweet ang asawa ko,pero sweet naman ang mga anak ko.

At sa wakas bago mag alas tres ng hapon ay natapos namin ang module kaya dali dali akong nag-ayos upang pumunta na sa paaraalan ng anak ko. Sadly yung Liptint na gamit ko nabasag sa kakamadali ko, ang ganda pa naman ng liptint na yun ang tagal mawala sa labi.

At nung nasa school na ko sobrang na dissapoint talaga ako sa nakita ko. Yung tipong kami ng anak ko nagkukumahog na matapos at maipasa yung module ngayon araw pero yung ibang magulang parang wala lang. Minsan talaga nakakadissapoint ang modular class, kasi kahit hindi nila maipasa yun on time walang minus na magaganap sa score o sa grades ng anak nila. Malamang yun ang iniisip nila kaya hindi sila nagagahol sa pag-pasa ng module. Nabasag pa naman ang liptint ko sa kakamadali tapos yun pala may mga magulang na parang wala lang!

Mas okay sana ang face to face class kung tutuusin kesa sa modular ngayon. Wala kasi talagang matutunan ang mga bata kung sa magulang lang, the problems is hindi pa gaanong safe sa labas para pagkatiwalaan ang mga bata na sumabak sa face to face. So ako bilang magulang ay tiis muna,at even dissapointed ako sa ibang magulang wala akong magagawa,ganun sila at ganito naman ako.

So this is my blogs for today.

Sponsors of MommySwag
empty
empty
empty

I would like to thanks my sponsors who never leave me despite of my failure and inactive here. Makakaasa kayo na starting now may mga pagbabago sa mga isusulat ko and i hope na even hindi ko ma meet ang qualification na hinahanap niyo ay nandiyan parin kayo to support me. Thank You!❤

___________________________

Closing thought;

I know na may mga magulang na may kanya kanyang pamamaraan how to handle all the situation. At wala akong karapatan na questionin ang iba kung paano nila gagawin ang mga bagay bagay. Lahat tayo ay may pagkakamali and hindi tayo perpekto. Ang sakin lang kung tayong mga nakakatanda ay hindi magiging good example sa paningin ng mga bata, sa tingin niyo paano sila kapag lumaki na sila.?

___________________________

Once again this is MommySwag,kung nagustuhan mo ang blog's ko na ito paki click ang thumbs up and mag-comment ka narin upang malaman ko ang saloobin mo.😉

8
$ 3.48
$ 3.36 from @TheRandomRewarder
$ 0.07 from @Ruffa
$ 0.03 from @Jeansapphire39
+ 2
Sponsors of MommySwag
empty
empty
empty
Avatar for MommySwag
2 years ago

Comments

Ganyan tayong mga Nanay lahat kayang gawin kahit pagod eh Nanay tayo eh.

$ 0.01
2 years ago

Trulala sis , haha kung kayang pagsabay sabayin go lang as long as para sa mga anak kakayanin.💪

$ 0.00
2 years ago

apir MommySwag.kaya natin to para sa mga bata

$ 0.00
2 years ago

Apir to that!🤚 yakang aka natin yan tayo paba.😁

$ 0.00
2 years ago

Tama lahat naman kakayanin

$ 0.00
2 years ago

Totoo yan sis.😉

$ 0.00
2 years ago

Sis thank sa sponsorship. God bless you more

$ 0.00
2 years ago

Nkakastress talaga ang module sis buti na lng highskol ma eldest ko at online class sya. Mas gusto din ng anak ko ang face to face.

$ 0.02
2 years ago

Kainggit is naman sis😁 grade 2 palang ang anak ko dami oa kong kakaining bigas.😁

$ 0.00
2 years ago

Naku sis may 3 years old pa ako kaya mgkasabay pa din tyo hahaha.

$ 0.00
2 years ago

Same tayo sis may 3 din ako. 😁😁

$ 0.00
2 years ago

I agree sayo mamshie, mapapailing ka na lang sa mga ganung gawain ng ibang parents. Pero baka may reason dn na di natin alam, pero kudos sayo mamshie! 🤗🤗

$ 0.01
2 years ago

Oo nga sis, napailing ako ng sibrang bongga. Kasi hindi lang naman once na nangyari. Even ako din namn kasi busy,kasi kahit nasa bahay lang ako nagwowork din ako as writer wanna be at sa pagpopost. But inuuna ko parin ang module ng anak ko, totoo hindi kami nakakatapos na maaga pero i assure na makakapagpasa kami sa same day. Hays nakakalungkot lang talaga. Pero baka nga sa dami nilang trabaho eh yun na nga lang, yung module ang sineset aside nila.😁😁 salamat po sa pagbisita sa aking article its a bug help for me.😊😉

$ 0.00
2 years ago

You're a responsible Mom din, yong iba baka naisip nila di pa namam siguro kakailanganin ung module kaya di sila nagmamadali aguy naman. Parang nakakahiya din sa teacher un ha.

$ 0.01
2 years ago

Oo sis nakakahiya talaga kat teacher. Hehe to think na naghintay pa siya para sa mga late na nagpasa like me. Tapos yun nga sabi niya sakin salamat daw at may humabol kasi sa totoo lang daw dami pang hindi kunukuha ng module. Nakakaloka

$ 0.00
2 years ago

Ang haba naman hihi pero tinapos ko talagang basahin sis, sana magkaroon ka din ng time dito welcome and enjoy .

$ 0.01
2 years ago

Oo nga sis, pakifamdam ko kapag hindi ako nadadalaw dito unproductive ang araw ko. Kaso sa noise.cash aksi may limit akong goal fun once na anaachieve ko tska alang ako pupunta dito kaso ang nagayyari matagal bago ammeet yung goal na yun,kaya hindi ako nakakspasyal madalas dito hope nga magawa ko na laging magupdate ng article.

$ 0.00
2 years ago

Meron talaga na di inaasikaso ng ibang magulang ang jga pag aaral ng anak nila.

Sweet naman ni bunso

$ 0.00
2 years ago

Oo nga sis nakakalungkot lang isipin. Ako nga kung kaya ko lang hatiin ang katawan ko ginawa ko na para lang masuportahan at maibigay ang kailangan ng anak ko para matuto kaso syempre nanay ka daming gawaing bahsy at hindi anamn tayo robot para hindi mapagod. Kaya nakakalungkot talaga.

Oo sis sweet ang bunso ko, hindi man sweet ang mister ko panalo namsn ako sa mgs anak ko.❤

$ 0.00
2 years ago