Good morning NFSFG Kamusta ang gising ng lahat? Thanks God for another day of my life. And it's Sunday alam na. Hindi na naman kami nakapagsimba, sarap kasi matulog dahil maulan na naman. Kaya tamang nood nalang ako ng mass online. Btw gumawa pala me ng poster ba tawag diyan. Nagpapagawa kasi yung pamangkin ko ng banner or poster para sa videoke rental ng kuya ko. Ewan ko kung okay na yan. Hehe kulang pa ng contact details yung ginawa ko i forgot kasi na hingiin yung number ng pamangkin ko. Haha Hindi na kasi kami madalas mag text or call kapag gusto namin magusap chat nalang or videocall kaya hindi talaga alam ang mga numbers. Hehe minsan nagugulat ako kapag may nagtetext sakin,yun pala kapatid or yung niece ko ang tumatawag. Oh jivahhh yan na ang uso sa panahon ngayon. Kung dati hingian ng number ang mahalaga ngayon kapag alam mo ang messenger nung tao dun mo nalang kokontakin. Easy peasy nalang talaga. Samantalang noong araw magsasabi kapa ng "Can i get your number?" Hahah nasabi niyo rin ba ang linya na yan? Ano po tingin niyo sa gawa ko? Okay lang po ba? ©MommyMadamdamin
No comments yet