read.cash Log in
@MommyMadamdamin

Good day NFSFG Maaraw na maaraw na ang panahon today. Sana magtuloy tuloy kasi plan ko maglaba ng kumot at mga punda. Kamusta panahon diyan sa inyo? Kahapon dami kong nakitang post sa fb at dito na mga video sa nangyaring bagyo nungbnakaraan. Grabe din pala ang pinsalang ginawa ng bagyong Karding. Hiling ko na makabangon lahat ng naapektuhan nito kasama na ang mga kaamaahan natin dito sa noise. May kakatwa akong panaginip kagabi. Binaha daw yung bahay namin sa San Rafael. Never pa kasibg nangyari na bahaan kami dun. Kasi once na binha yun lubog ang Marikina city at maging ang ibang lugar na mababa lang. Mataas kasi yung lugar na yun. And ever since nung kabataan ko never pinasok ng baha or tubig ang bahay namin. Sa panaginip ko busy kaming naglilinis at inaalis ang mga putik. Kahit na panaginip lang yun dama ko yung hirap at pagod ng mga taong nakakaramas ng ganung sitwasyon. Bilib po ako sa inyo, and sana po is makarecover at maayos na ang mga nasalanata ng Bagyo. Flex ko lang yung lanyard na ginawa ko kagabi. Terno siya nung earings na ginawa ko nung isang araw. Wala kasi akong magawa kagabi,while nagchacharge cp ko. Gumawa ako ng lanyard. Hhehe Sabi ko ibebenta ko siya ng 40 pesos set na. Sa tingin niyo mabibili po kaya? Salamat. ©MommyMadamdamin

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.