Hatid time. . Kanina pa yan. Nung hinatid ko ang anak ko sa school. Morning na kasi sila ulit. Pero nitong week na ito nagbago body clock ko. Kaya hirap na hirap ako guising hindi kontuloy naprepared ng almusal ang anak ko. Wala pa naamn natirang ulam kagabi. Kaya bumili nalang ako ng half long kanina dalawa na para yung isa sa recess niya yung isa para naman sa breaktime nila. Kanina yung ka co-nanay ko is nagagalit sa isa sa mga classmate ng mga anak namin. Nagbanta daw kasi yung bata dun sa anak niya. Kaya napatanong ako sa anak ko if may nangaaway ba sa kanya and she told me na wala naman daw. Sa bunso ko ako namomoblema talaga. Kung sino pa lalaki siya pa ang awayin. Pero friendly naman both ang nga anak ko. Nasa bata nalang talaga ang problema dun sa nga ibang bata na anakaksalamuha nila. For my eldest wala naman ng aaway sa kanya since noon,may mga palaaway pero hindi naman natutuloy. Alala ko nubg kinder siya may bata dun na inaaway anak ko at sinasabi na huwag daw siyang kabati pero yubg ibang bata naman dun is hindi umaayon fun sa baata kaya later on wala din nagawa yung bata. Haha Sa bunso ko ako nakaexperience na sinakyan siya,kinurot at tinulak. Kaya naiinis din ako kaya sabi ko layo na soya sa bata na nangaaway sa kanya. Lumalayo anak ko yung bata ang mahilig lumapit. Kaya papalapit palang bata,umiingit na bunso ko. ©MommyMadamdamin
No comments yet