Life's not a Race: It's a Journey to Enjoy

0 17
Avatar for MjAcato
3 years ago

Jace's POV:

Minsan talaga ay hindi mo aakalain na ang mga taong pinagkakatiwalaan mo ng higit ay sila pang magiging sanhi ng matinding pagkakalagapak mo. Ewan ko ba kung bakit kasi kami naniwala sa mokong na iyon at sa mga kasama niya.

Sabi sa salawikain "ang tunay na kaibigan, nakikilala sa kagipitan" pero ang akala naming mga kaibigan ay iniwan kami sa gitna ng kagipitan pero kahit pa nagtaksil sila, malaki pa rin ang tiwala namin sa aming sarili na kakayanin naming magwagi sa karerang ito dahil kung nakaya ni pagong na unahan si kuneho, malamang sa malamang makakaya din naming unahan ang mga iba pa.

"Guys mukhang huling pagsubok na ito." sabi ni Juan habang hinahabol ang kaniyang hininga. Mukhang tama siya dahil sa kasalukuyan ay naririto na ang team detectives at ang team mixers na kinabibilangan ni Trez.

This part of the maze is wider than the rest. Parang hindi na nga kami nasa isang maze dahil sa lawak. Kapansin-pansin din na sa may dulo ay may mga pintuan. Baka paunahang mabuksan ang isa sa mga 'yun.

Nagulat sila ng makita nila kami, alam kong sa oras na ito ay nagtataka na ang dalwang grupo kung bakit kami nakahabol dito gayong gumawa sila ng paraan para lituhin kami at tuluyang mawala at mabigo sa karera.

Kasalukuyang nagtutulungan ang mga magkakagrupo na kunin ang bawat piraso. Dalawa lang sa isang grupo ang pwedeng kumuha ng mga piraso na nakakalat sa iba't ibang parte ng maze at ang isa naman ay maghihintay na makuha lahat ng mga piraso tapos siya na ang bubuo sa isang giant jigsaw puzzle na magbibigay ng code na siyang magagamit para mabuksan kahit isa lang sa mga nakakandadong pintuan sa dulo ng maze. Ang unang makakalabas sa maze ang siyang mananalo.

Pinili ni Juan na siya na lamang ang bubuo sa puzzle tapos kami na lang ang hahanap sa mga parte. May hints naman kung saan makukuha yung mga puzzle pieces pero mahirap pa rin dahil nakasaad sa hints na kailangan namin bumalik sa unang  bahagi na pinagkunan namin ng unang clue sa maze na ito. Pipindutin daw namin ang gold button para bumukas ang pader na naglalaman ng  mga  puzzle pieces.

While we are on our way to the said place, I saw Cordapia and her team looking bitterly to us. Bigla namang kumurap si Anne.

When we are there, I saw Ian together with Lovely. Pancho and Mickey are still not around. It seems that they have gone astray along the maze. Well, they deserve that karma.

There are 5 gold buttons. Sinubukan kong i-press ang isa pero bigla itong tumunog ng access denied.

I tried another one and still, I received the same message. Napansin kong biglang bumukas yung pinindot ni Lovely. Mukhang isang cabinet ang pader at tanging ang registered finger prints ang makapagbubukas sa mga ito.

Kaya pala ni-require kami kanina na pindutin ang isang gadget na parang biometrics. Ito pala ang purpose 'non.

Pumindot ulit ako ng isa pa at salamat naman dahil bumukas na ito. Agad namin kinuha ni Anne ang tatlong bag na nandoon.

Habang kami ay tumatakbo pabalik ay hindi namin namamalayan na nabitawan ko pala ang isa sa mga bag. Tsaka ko lamang napansin ito ng hanapin ni Anne ang isa sa mga bags na kanina ay hawak ko. Bigla akong napasigaw dahil ngayon pang malapit na kami sa kinaroroonan ni Juan nangyari ito.

Ang tanging choice ko ay ibigay kay Anne ang isa pang hawak ko para mauna na siyang bumalik tapos ako naman ang hahanap sa aking nabitawan na bag.

I run as fast as I can to find it in the soonest time.

Nakita ko ang bag malapit sa kinaroroonan ngayon nina Pancho at akmang itatago pa ito ni Mickey pero buti na lamang at nakita ko kaya sinigawan ko sila.

They heard me kaya itinapon nila ito palayo tapos tumakbo pabalik sa huling challenge. Sobra na talaga ang galit ko sa kanila. Ang sarap ngang sapakin ang gagong 'yun pero nagtitimpi lang talaga ako dahil baka ma-disqualify lang kami kapag pinatulan ko sila.

Nang makuha ko ang bag ay mas binilisan ko ang pagtakbo pabalik para kahit papaano ay makakahabol pa rin kami.

After giving the last bag to Juan, napansin kong nasa kalahati na ng puzzle ang nabuo ni Trez. It seems that he is a connoisseur in this field. Nagsisimula na rin ang iba pa.

Kahit ganon ay naniniwala pa rin ako na makakaya ni Juan na makakahabol siya sa pagbuo sa puzzle.

Makalipas ang limang minuto ay napansin kong malapit ng mabuo ni Trez ang sa kanila. Bakas sa mukha ni Juan at iba pa ang pagka-pressure. Ilang sandali pa ay napatalon sa tuwa ang grupo nina Trez, mukhang nakuha na nila ang code at nakita kong 185613 ang nabuo nilang code. Napansin kong nakatingin sina Mickey sa code na nabuo nina Trez tapos sinabihan na niya ang ka-grupo niya na pumunta na sa dulo ng maze para buksan ang pintong nakalaan sa kanila kahit hindi pa siya tapos. Akala ko iisa lang ang code pero ng matapos si Juan, ang code na nabuo niya ay 135274.

1
$ 1.45
$ 1.45 from @TheRandomRewarder
Avatar for MjAcato
3 years ago

Comments