Pahinga. Kapayapaan. Yakap.

14 42
Avatar for MissJo
Written by
2 years ago

Hello beautiful people!

I hope you all are doing fine amidst of the shortcomings and uncertainties we may feel day by day. Always remember that a positive life is a happy life. ✨


Pahinga. Kapayapaan. Yakap.

Iba't ibang kapaguran ang nararamdaman natin sa mundong iba't iba ang pagsubok na ibinibigay. Mga pagsubok, mga karanasan, mga pangyayari minsan na din nating naisip na mangyayari pala talaga. Kasi, hindi ito gaya ng mundo'ng nahulma natin sa ating isipan. Ibang iba. Malayo.

Yung dapat payapa, masaya, maganda? Kabaliktaran. Kabaliktaran ng kung ano man ang nangyayari ngayon.

Nakakapagod!

Pero may mga pagod na iba iba ang kailangan para mawala ito.

Pagod na nangangailangan ng pahinga. Ito yung pagod na sa pisikal mo nararamdaman. Yung sobrang tadtad ka na sa trabaho na nakakalimutan mo ng kumain, magpahinga, at matulog. Yung pagod ka na, pero kailangan mong kumayod. Kailangan mong kumayod hindi para sayo, kundi sa mas importanteng bagay sa paligid mo. Sandali! Hindi ka ba importante? Importante ka. Isipin ko ang katawan mo. Pano ka gagawa ng bagay para sa iba kung mismong sarili mo di mo kayang alagaan? Magpahinga ka! Kailangan mo yan.

Pagod na nangangailangan ng kapayapaan. Ito yung pagod na kahit wala ka namang mabigat at mahirap na ginagawa ay pagod ka parin. Ito yung mahirap. Yung isip mo yung pagod. Yung puso mo yung ayaw na. Pero yung katawan mo gustong magpatuloy. Marami kang gustong gawin pero di mo alam kung san ka magsisimula. Magulo. Nakakalito. Kaya ang sagot? Kapayapaan. Kailangan mo ng pahinga mula sa magulong mundo. Kailangan mo ng pahinga mula sa mga bagay na nagpapalito sayo. Hayaan mo ang isip mo na pag isip para sa sarili niya, wag mong pilitin ang hindi kaya. Ipahinga mo. Onti onti, masasanay ka rin. Onti onti malalaman mo kung san at paano ka magsisimula ulit.

Pagod na nangangailangan ng yakap. Mula sa nakakapagod na mundo. Mula sa nakakalitong isip. Isang yakap. Kailangan mo ng isang mahigpit na yakap. Hindi kailangan na mula sa kasintahan, kundi sa mga taong malapit sayo. Yakap galing sa mga taong naniniwala sayo. Yakap galing sa mga taong nandiyan simula sa umpisa. Yakap mula sa mga taong mahal mo. Hindi nila kailangan na magsalita. Hindi nila kailangan na may sabihin. Presensya lang nila, sapat na. Yung alam mong andyan sila para sumuporta sayo. Yung alam mong may uuwian ka. Yung alam mong may mayayakap ka kapag nakakapagod na.


That's all for today beautiful people. If you have any thoughts about this, feel free to leave it in the comment section below. Let's interact. Stay safe always! Xoxo ✨☺️

- MissJo πŸ’œ

Lead Image Source: UnSplash

Sponsors of MissJo
empty
empty
empty

8
$ 9.82
$ 9.67 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Ruffa
$ 0.03 from @Usagi
+ 3
Sponsors of MissJo
empty
empty
empty
Avatar for MissJo
Written by
2 years ago

Comments

2 and 3, mas naraming nakakaranas ng ganyan ee. Kakalungkot man pero kasama na sa buhay ang mapagod. Halos wala kanang karapatan na mag pahinga. Pero kailangan kasi kailangan mong maglagay ng pagkain aa mesa. Ang hirap. Ang hirap pero tuloy lang ang buhay. Para sa economy.

$ 0.00
2 years ago

Hays! So trueeeeee ate Ruffa. Kaya kayod ng kayod lang para sa ekonomiya ng bansa!

Buti nalang mayayakap ako sa July. HAHAHAHAHAHAHA.

$ 0.00
2 years ago

Nindot jud ug mula sa kasintahan ang yakap pen, promise been there hahaha chaarrr hahaha ummmmm gimingaw nuon ko duh haha

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha adtoa na dayon te

$ 0.00
2 years ago

Nindot jud ug mula sa kasintahan na yakap pen, promise hahahhaa

$ 0.00
2 years ago

Hahahahahhahahahahaha ngita sa ko

$ 0.00
2 years ago

I need those three Mamsh. I am tired.. :((

$ 0.00
2 years ago

Huuuuuugs mamsh! πŸ€—πŸ’—

$ 0.00
2 years ago

Tama ka ate, sa ngsyon kelangan ko talaga peace of mind. As in un lang talaga. ❀️

$ 0.00
2 years ago

Go na beb! Go unwind. Deserve natin to have a peace of mind! πŸ€—πŸ’—

$ 0.00
2 years ago

Thankfully nagkakaroon ng time ate

$ 0.00
2 years ago

Soon beb! πŸ’œ

$ 0.00
2 years ago

Naa say gikapoy bii kay walay kwarta. Makaluya jud kaayu haha pero padayun ra gihapon.

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha makaluya gyud mi. Sobra pas luya! 🀣

$ 0.00
2 years ago