Sa likod ng mga halakhak at mga ngiting namumutawi sayong mga labi, Naroon ang nagpupumiglas na bigat ng yung kalooban pilit mong nilalabanan. Pagkaraan ng isang makabulohang araw ng yung buhay, maiisip mo pa din na kahit saang dako ka man pumaling, nanatili pa din ang malaking katanungan saung isipan na pilit mong bnibigyan ng kasagutan. Kasagutan na kahit alam mo ng hndi mo mahahanap kanino man pinipilit mo pa ding masolusyunan. Nariyan kn naman sa isang madilim na yugto ng yung buhay.. Huwag mo sanang makakalimutang may mga kaibigan k pang maari mong sandigan. Sadyang hindi biro ang gumalaw sa mundong kay raming mapagbalat kayo, Mundong halos ay nakasuot ng maskara, sasabhing mahalaga ka at mahal ka, Pero sila pa ang nagging dahilan ng iyong pagdurusa.. Mundong hihilahin kang pababa na kahit lugmok ka na ay yayapakan at yayapakan ka pa din nila. Maging matatag ka sa ganitong suliraning iyong kahaharapin. Huwag mong kakalimutan ang ilan mong kaibigang sayo'y naniniwla pa rin. Pamilya mong sayo'y umaasa pa rin. At higit sa lahat palagi mong pakatatandaang nariyan Siya sa iyo'y palaging nagbabantay at nakatingin. Magsisilbi mong tanglaw sa tinatahak mo dilim. (Kathang Isip by Miss A.(me) Photo by Google
5 comments
Ang ganda namn ng tula na ito sissy may katotohanan ang bawat nilalaman,lung minsan alam naman natin ang kasagutan subalit ito ay di nalang pinakikinggan awts
BTW thank u for taking time to read. 😁
Hahaha maganda kasi😁😅
Awesome
grabee sis ang ganda ng tula mo 😊 Pede ka na gumawa ng book na puro poems Sarap basahin lalo 😊