Nanay Ikaw ang liwanag pagkat ilaw ng tahanan Gumabay at nagmulat ng aming kamusmusan Pinalaki sa pangaral at kabutihang asal Tinaguyod nyo ni Itay ang aming pag-aaral Tiniis ang hirap, ang pagod at puyat Habang sanggol kaming sa banig ay nakalatag Matang inaantok halos di kumukurap Bantay sarado sa lamok upang wag makagat Damit na suot ko ayaw niyo marungisan Ang mura kong likod sa pawis ay matuyuan Pag aaruga sa amin iyong inilaan Di ka nag reklamo, sarili'y halos kalimutan Sa bawat pag-iyak ko ikaw ang hinahanap Haplos ng kamay mo ang lagi kong hangad Walang araw walang gabi di ka lumilingat Aming kaligtasan dalangin niyong ganap Ilang taon hanggang ngayon andiyan ka pa rin Laging subaybay sa mga samo ko at daing Di kayo nagsasawa na kami ay unawain Nakabukas ang palad anumang oras sa amin Salamat Nanay sa lahat ng paghihirap niyo Sa hirap ng buhay di kayo sumusuko Mga luha at pawis na sa inyo ay tumulo Sa amin ay ibnigay di nyo pinagkanulo Habang buhay ako sa inyo ay magmamahal Lagi kung hangad ang inyong kaligtasan Sa inyong nagawa sa buhay Kong ngayong taglay Kahit buhay ko di pa sasapat na sa inyo ay ibigay. Salamat Nanay.. Maligayang Araw ng Mga Ina sa lahat ng Nanay💛 #Poems
No comments yet