read.cash Log in
M@Mishiel more from that month

"Ang Buhay sa Bukid" by: yours truly Tilaok ng manok sa madaling-araw Nakatira sa nayon nagsisilbing orasan Babangon agad at magkukumpuni ng umagahan Iinom ng kape upang tyan ay mainitan. Pagtapos magluto at ibang gawain Mga anak naman ay syang gigisingin Igagayak at sa pagpasok ay aasikasuhin Para sa paaralan maagang makarating. Pagsapit ng bukang-liwayway Hindi na ngpapaabot ng sikat ng araw Ama ng tahana'y papar-on na sa paligawan Uulahin nmn mga hayop na inaalagaan. Halos maghapon lupa ay bubungkalin Malawak na bukirin laging kapiling Pawis at pagod hindi dinadaing Kapalit naman sa lamesa'y ihahain. Hirap man kanilang pasan-pasan Init at ulan sila'y naabutan Munting dampa nagsisilbing silungan Kinakaya lahat dahil kinakailangan. Oras sa bukid ay gugugulin Buong maghapon dito ay bubunuin Mga gulay kanyang itatanim Pagdating ng araw kanya namang aanihin. Ina ng tahanan ikaw ay susundan Dala-dala pagkain sa pananghalian Sa pagtatanim kanyang katuwang Nakakatuwa mandin masayang nagtutulungan. Pagkatapos sa bukid ay saka lulusong Mga inani sa ulo ay sunong-sunong Bitbit pa ngani uyo na panggatong Pagod baya di alintana sa maghapon. Konting pahinga laang saka magakayod Manok iitsahan at dito ay magbububod Baboy pupuntahan dala ay pambahog Walang katapusang trabaho katawan ay bugbog. Bawat ani sa Diyos ay pagpapala Pagkain araw-araw sa atin ay biyaya Mamuhay sa kanya talagang sagana Pagkat Siya lang Tunay na Dakila. #Poems

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.