" PAGSUBOK " May bahagi ng buhay mo na sadyang malubak Ang hinanakit biglang malalasap' Kahit anong pigil ay sadyang aalpas' Buong pagtitimpi'y parang mawawasak' Ibig ko na sanang humawak ng armas At sa mga ganid itoy iwasiwas' Bigyan ng pasakit yaong mga hudas Sa mga kamay koy magdanas ng hirap' Ang pait sa dibdib ay tila kay bigat Luhang pinipigil ay handang umalpas' Ibig ding sumigaw ng napakalakas Upang hinanakit ay dagling humulas' Ito bay pagsubok ay sadyang ginawa Para matalos ng aking pang unawa" Sakit ng damdamin ngaun nagbabadya Samot saring sakit ditoy nakabadha' Salamat sa inyo mga kaibigan' Na handang dumamay kapag kailangan' Ang utang na loob di man mabayaran' Gagantimpalaan pag dating ng araw'. #Poems
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet