Bakit nilalagyan ng tina ang beke.. 🤔🤔 Ang BEKE o MUMPS ay isang impeksyon na pangunahing naapektuhan ang salivary glands. Isa itong virus na nagiging sanhi ng pamamaga ng isa sa parte ng katawan na lumilikha ng laway —ito ang nasa parotid salivary glands. Matatagpuan ito sa likod ng pisngi na nasa gitna ng tenga at panga kaya ito ang nagiging dahilan ng pag-umbok ang isang parte o magkabilaang gilid ng mukha. Lubhang madaling kumalat at makahawa ang sakit na ito sa pamamagitan lamang ng talsik ng laway, paggamit ng anumang utensils na ginagamit ng may beke, o anumang bagay na nasasayarang ng laway ng taong may beke. Kung makakaranas ng beke, gawin din ang mga sumusunod: Kailangan lamang na magpahinga nang mabuti. Maaaring uminom ng paracetamol o gamot para sa pagbaba ng lagnat. Tiyakin lamang na sapat at wasto ang dami ng tubig na naiinom kada araw upang maiwasan na ma-dehydrate dahil sa pagkakaroon ng mataas na lagnat. Hindi dapat “TINA at suka” ang inilalagay sa beke. Mali ang nakawiang panggagamot na ito na nakasanayan ng mga Pinoy. Mas mainam pang lagyan ng ice pack o cold compress ang bahagi ng mukha na namamaga. Hangga’t maaari kumain ng malalambot na pagkain upang maging madali ang pagnguya at paglunok. Iwasan din ang pag-inom ng maasim o acidic na inumin upang mabawasan ang sakit at nakakadagdag ito ng stress sa salivary glands. Ginawa nyo rin ba ito noon katulad ko?
No comments yet