"DAPITHAPON " Ang kuha ko na nasa ibabang larawan Isa lang patunay ng iyong kagandahan Kaya marami ang sa iyo'y nag-aabang Paglubog mo ay kanilang masilayan. Ngunit hindi sa lahat dulot kasiyahan Hindi mo lang siguro nakikita ang ilan Dulot ng paglubog mo ay kalungkutan Silang nasa dapit hapon na ang gulang. Sila ang tao dapat nating pahalagahan Sila na nagbigay sa atin ng ating buhay Sila na sa atin na nagmahal ng lubusan Sila na minsan ay atin ng nakakalimutan. (-mishiel)
No comments yet