Good morning mga friends. namiss ko mag post ng tula😊 here's another poem for you guys for those who dont understand my language you can use Google translation if you want😊 " PANGAMBA " Di ko alam, saan mag-uumpisa Paksang bibigkasi'y, di ko mawari pa Pagkat ering puso'y, puno ng pangamba Dulot ng pagsubok, na biglang umamba Mundo ay ginulantang, tao ay di malaman Ano ba ang gagawin, bakit tila biglaan? Pagdating nitong salot, sa buong santinakpan Wari mo ay delubyo, lahat ay tinamaan Ano ang mangyayari, tunay ngang di alam Paano ang buhay, kung walang kasiguruhan Pananatili nitong Virus, dala ay kahirapan Sa buhay ng lahat ng mga mamamayan Lahat ay nagbago sa isang iglap lang Buhay ng bawat isa, biglang nawendang Ubos ang ipon at mga kabuhayan Gutom pa ang inabot, mahihirap na kababayan Kailan matatapos, hirap na pinagdaraanan Ano ang gagawin, sagot ay di pa alam Hanggang kailan magwawakas, dilim na kinasadsadlakan Paano aahon, liwanag ay mababanaagan Kay dami ng hirap dinanas ng karamihan Marami ng buhay, ibinuhis para lumaban Maraming frontliners. Sarili ay inilaan Upang iligtas, pasaway na kababayan Ngayoy masaya pa, dahil may mga ayuda Ibay nagkakagulo, bakit di daw sila kasama Sa listahan ng tatanggap bakit daw silay nabura Gayong sila naman daw, ay botante ding tulad ng iba Hiling ko lang sana, mga mahal na kababayan Magkapit bisig tayo, upang krisis ay labanan Huwag magkawatak watak, dapat ay magtulungan Upang itong Covid Ating malagpasan Tumigil ng bahay, iyan ay panawagan Sumunod naman sana sa utos ng pamahalaan Manatili sa loob, upang sakit miawasan Huwag mong pairalin, ulong may katigasan. #Poems
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet