Bila-bila ( Butterfly) Lipad bila-bila pakpak ikampay na Libutin ang kapaligirang luntiang kay ganda Sumayaw sa hangin umindayog at laruin Simoy ng amihan sa luntiang kabukiran Hagkan at simsimin bulaklak ng kaparangan Dumapo sa mga dahon at halaman Nektar ng bulaklak iyong paglaruan Habang makulay na pakpak patuloy sa pagpalakpak Kay ganda mong malasin Sa magandang hardin Animoy korona nagyayabang mandin Kay gandang kulisap mga batay nahuhumaling Kayat pilit kang bibihagin upang maangkin Ikaw ang kayamanan ng isla kong mahal Mga dayo sa isla na sayo ay nakakita Pilit kang dadalhin kahit isa ng estatwa.. Ohh bila bila dati ay malaya ka Ngaun sa kaparangan ay dika na makita Nabihag na ganda sa kulamboy nakatira Upang ipagbili sa mga turista! Paano na ang hardin Kung ganda moy naglaho sa dilim Aanhin ang bulaklak kung pag ibig mo bila bila ay maglaho nat manatiling naka kwadro at pang akit na lang sa paningin. #Poems
No comments yet