read.cash Log in
M@Mishiel more from that month

Dalampasigan Ako ay namasyal doon sa dalampasigan. Ang galit na alon aking napagmasdan. Wari ko bay sumisigaw nang katarungan, Labis ang hinagpis at kalumbayan. Halina aking irog tayo ay mamasyal. Sa tabi nyaring dagat tayo ay mag sabay. Sa ating pag lalakad tayoy mag hawak kamay. Dahan dahan ang pag hakbang upang hindi tayo mangalay. Hihintayin nating dalawa ang pag lubog nyaring araw. Doon sa kanluran siya ay malulusaw. At kinabukasan siya muling mag durungaw. Doon sa silangan utay utay na lilitaw. Sa Dalampasigan bubuo tayo ng pangarap Pagdadamayan natin upang ito ay malasap. Sasamahan ng tiyaga at nang pagsisikap. Upang ang ating Pamilya may magandang hinaharap. Kay sarap ng sandali na makasama ka. Sa araw at gabi tayo ay masaya. Walang hinanaing at walang pangamba. Ang tanong ko lang irog Nasaan ka ba? Ang lagi kong hiling dumating ka sa buhay ko. Sa habang panahon magkasama tayo. Doon sa Dalampasigan maghihintay ako. Aking aabangan ang pag dating mo.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.