Pag sapit ng Gabi
Panginoon kami po ay gabayan Pagsapit ng dilim iyong ingatan Pag liwanagin mo aming kaisipan Sa kadiliman kami'y tanglawan. Buhay probinsya iyong mararanasan Maliwag pa kumkaen na ng hapunan Panu maagang nagsisi-tulugan Bihira na makita sa lansangan. Pag kuryente nawala ng biglaan Kakapa-kapa mandin sa kadiliman Sisindihan burkil na ilawan Para mag liwanag buong kabahayan. Dal-ha dine at ako'y may atan-lawan Ahiramin muna ideng ilawan Gasarado laang ng tarangkahan Akabat maige pati pintuan. Magi-gitla baya pag sa bubong nag kalampog Maririnig sa lababo'y naga-kalantog Pakikinggan maige kung saan naga-kaluskos Pusa laang pala yaong naga-kalabog. Sa pgkakatulog biglang maalimpungatan Mga aso kan-yanang batu-kan Mga naga-daanan talagang tatahulan Susundan pa mandin at di lulubayan. Sa kadiliman ng gabi ating madidinig Huni ng insekto at mga kuliglig Gabing payapa sa karamiha'y hatid Oras baya ay lalamuning kay bilis.
No comments yet