read.cash Log in
M@Mishiel more from that month

" Damdamin " (emotion) Sa bawat pag-ikot ng ating orasan nababanaag ko ang aking karanasan, minsan ay may saya minsay ay may lumbay puno ng pag-subok at hamon sa buhay. Sadya ngang ang tao ay di na nakuntento, Kung ano ang meron kung ano ang siyang gusto, Sukdulang makasira ng buhay ng ibang tao walang pakialam masunod lang ang gusto. Masakit lang isipin na sa bawat saglit sa bawat galaw natin ay mayroong nakamasid, Naghahanap ng butas sa ating pagkakamali kahit di totoo kanila pang binabangit. Kahit ang ibang tao sa atin ay ikakabit ng walang pakundangan o kahit pasintabi, Ang hangad lang nilay tayo ay masabit masira ang record na ating nai-ukit. Ngayon ko natanto kasabihan noong una kahit sa aklat man itoy ating mababasa, Ang puno daw kapag hitik sa bunga palaging binabato ng mga masasama. Ngunit kahit ganito buhay na pinasok ko Masaya pa rin ako nagagampanan ko trabaho Trabahong iniatang pasan sa balikat ko Aking tutuparin sa abot ng kaya ko. Ngunit kaibigan tao lang ako May puso at damdamin din katulad nyo? Kapag napuno na at sumuko nga ako Kesa mag-tiis lilisan na ako. hope you like it guys. medyo napahaba yata😊😅 #Poems

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.