read.cash Log in
M@Mishiel more from that month

Goof afternoon noisy friends, namiss ko magpost ng tula. sana magustuhan nyo😊 BAYAN KO Sariwang hangin at mayabong na halaman Malawak na bukirin at mga kabundukan Malinis na mga ilog at maging karagatan Inyo itong makikita sa lupa kong sinilangan Mga mamamayan ay mapagkumbaba Malumanay kumilos maging sa salita May Po at Opo kung sila ay mangusap Kabaitang taglay di maikakaila Mayaman sa kultura at mga tradisyon Kilala ang Moriones gayon din ang Putong Di lang sa Pilipinas maging ibang Nasyon Sinasadya ng marami upang pumaroon Sa gitna ng mapa kung inyong mamasdan Ang Puso ng Pilipinas siya ay tinuran Libot ng karagatan itong maliit na bayan Isla ng MARINDUQUE ang Bayan kong mahal

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.