Laseng revelations

23 44

042922

Kapag may inuman or kapag nalalasing ang tao, madalas andaminf narereveal na kung ano ano. Feelings, galit, hinanakit, tampo, in love, inggit, basta yung mga nararamdaman na di agad nasasabi, tinatago or walang lakas ng loob sabihin.

Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Itutuloy ko muna tong topic na to since na stuck na dito since last year and Friday naman at para lumuwag at makahinga ang isip natin, tagalog muna tayez.

And the story goes a little something like this...

Galing kaming handaan sa in-laws ng kapatid ko. Birthday ata ng father-in-law nya at di sila nakalimot na papuntahin kami. Andun din ang mga kamaganak ng mother-in-law nya na taga-Marikina lang din.

Syempre inuman ng mga matatanda, kala mo naman na walang malalasing sa kanila. Hala sige todo inom. Ginabi na din kami doon at minsan nahihirapan kami magbook ng grab pauwi, so sinabay nalang kami pauwi kasi dadaan naman din sila sa amin.

Eto ang eksena habang naguusap ang mga lasing sa tanders sa sasakyan.

Biglang napasok sa usapan yung hirap na pinagdaanan nilang matatanda noon. Nung nagsisimula pa lang magkapamilya at kung paano nakaraos sa mga gastusin o araw-araw na hamon ng buhay.

Nagshare sila ng kanya kanyang paraan pano nila nagawang makasurvive kahit na hindi ganoon kalaki ang kinikita at sapat lang pantawid sa pangaraw-araw.

Napunta na din sa usapan na kung paano nila itinuring or nadisiplina ang kanya kanyang anak. Bida ng ganito, bida sa ganyan... Kwento kung paano kami noon mga maliit pa kami at ano kami sa kanila.

Sabay sabi nang tatay ko, 'Noon super heroes daw ang tatay ngayon kontrabida na.'

Tumahimik ang lahat. Sabay change topic at pinansin ang mga pailaw sa kalsada.

Gigil ako.

Siguro napansin din ng iba naming kasabay na baka mauwi sa pagddrama yung tatay ko.

Nainis ako, nanggigil ako, pero syempre di ako nagsalita. Usapang matatanda eh, I mean yung mas matatanda samin, yung mga ka-generation nila. Tska una sa lahat wala naman akong gana talaga makinig at makisawsaw sa usapan nila kasi pagod ako at may dala ko si Lil B.

Bakit ako nanggigil?

Kasi may sama ako ng loob sa parents ko. Di naman siguro bago yun, lahat naman tayo may kanya kanyang issues sa magulang.

Kinimkim ko yun simula nung pagkabata ako. Bakit? Lumaki akong tumatak sa isip ko eh masama akong bata, na magiging masama akong tao at walang kwenta, walang silbi, walang galang, pasakit, perwisyo.

Biruin mo sa murang edad naririnig ko na sinasabi sken at syempre bilang bata, tatatak talaga yun sa isip ko. Lumaki akong hindi ko alam kung bakit ako ganun, bakit ganun yung mga inasal ko, bakit ako sinaktan, bakit ako napalo, bakit ako lang ang nasasaktan ng pisikal?

Don't get me wrong, maayos kaming napalaki ng mga magulang ko.

  • Lumaki kaming, di sumasagot sa magulang kapag pinapagalitan kasi masama yon, bastos yon.

  • Lumaki kaming hindi kami pala hingi ng kung ano ano, kasi wala kaming pera.

  • Lumaki kaming hindi kami dapat magcompare ng mga bagay na wala kami o nakukuha namin

  • lumaki kaming dapat kaming magsikap para makagaan gaan kami sa buhay

  • Lumaki kaming mabuting tao (siguro)

Thankful ako, kami, sa mga naituro at kung pano kami napalaki ng mga magulang ko. Pero syempre may mga kabaliktaran, o pros and cons din ito.

  • lumaki kaming hindi marunong magopen up ng feelings namin

  • lumaki akong may suppressed anger, doubt, hindi confident, confused at kinikwestyon ang sarili kong existence

  • lumaki ako na parang laging napipilitan sa mga ginagawa ko

  • lumaki kaming hindi pwede magdala ng problema sa bahay

  • lumaki kaming DAPAT masaya lang kami at hindi dapat nagpapakita na may problema.

Wag kayo mag-alala, good terms kami ng mga parents ko ngayon. In fact, sa dito pa din kami nag stay ni Lil B habang nagaayos at naghahanap kami ng asawa ko ng matutuluyan. Syempre di pa din maiiwasan yung minsan magkadiskusyunan dahil matatanda na kami. Hindi na kami yung mga batang kapag pinagalitan nila, eh pwede pa nilang palupaluin at pangaralan ng mga 'Tamang asal'.

Nakainom ka na naman!

Wala namang masamang uminom occasionally. Basta ang alak, sa tyan dapat napupunta hindi sa ulo.

Hindi kasi nila alam or aware na may emotional damage yung pangangaral nila (pamamalo). Kung umeepekto yun sa mga kapatid ko, sakin parang hindi. Iba-iba talaga ang pagiisip ng mga tao at hindi sa lahat ng bagay magwwork ang lahat ng pamamaraan sa ibang tao. Kelangan din minsan i-tailor fit ang disiplina sa bawat anak.

Naging kontrabida sya sa paningin ko kasi hindi ko alam kung bakit ako pinagagalitan, hindi ko alam o maintindihan kung bakit ako pinapalo, hindi ko alam kung masama ba talaga o hindi lang maganda yung ginawa ko. Hindi naman siguro na porket nakabasag ako ng pinggan or baso, sinasadya na. Yung mga ganung bagay. Maliit lang yun, oo, pero hanggang sa paglaki mo mabitbit mo yung maliit na sama ng loob. Hindi sa gusto ko na i-baby ako, gusto ko lang yung may magpaintindi saken ng bagay bagay. Yung mga bagay na dapat magulang ko ang nageexplain hindi yung idadaan sa sigaw, palo na para bang hindi ako marunong umintindi as bata. Yung ibang bagay sa mga kaibigan ko pa natutunan at naintindihan.

Baka isa ka din na katulad ko.

Cut na muna!!

Hindi to nega vibes, gusto ko lang ipost to para mabawasan yung nasa drafts ko kasi nahihirapan ako magscroll. Minsan nawawala yung mga drafts hahahaa

Chika sa baba! Q&A sa baba! Taraaaaa!

12
$ 3.71
$ 3.61 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @DennMarc
$ 0.02 from @charmingcherry08
+ 3
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Comments

Awww gantong ganto ko sis jusko, talagang nagiging villain sila at masama sa paningin ko rin kapag ako napagbubuntungan nila. Also I'm no body's favorite child talaga, hiral maging middle child parang black sheep lagi sa fam tingen sakin.

$ 0.00
2 years ago

I also been there. Relate ako sa article nato grabe para tuloy akong ibinalik sa past life ko. Luckily sa akin ni kurot o hila nang isa man lang hibla nang buhok di ko naranasan kay Papa, Si papa yung taong naranasan LAHAT nang masakit na disiplina nuong kabataan Niya kaya ayaw rin niyang naranasan nami. pero kay Mama Jusko. Iba magalit lahi nang Waray halos paduguin kana sa palo nang disiplina, naaalala ko nuon halos maputol hintuturo ni Kuya. Kaya lumaki kaming disiplinado rin.

$ 0.01
2 years ago

Tough love ang pagdidisiplina talaga noon, pero minsan nakakatakot. Buti na lanv talaga napunta ako sa mga matitino at mabubuting kaibigan kasi kung hindi, baka pariwara ako

$ 0.00
2 years ago

Ganyan talaga ate. Wala namang pamilyang perpekto na hindi ka masasaktan. Kung hindi man masaktan physically, pero pwedeng emotionally and psychologically. Lilipas rin naman yan at sa huli, mahal tayo ng mga magulang natin. At alam kong alam mo yan ate kasi may baby ka na.

$ 0.01
2 years ago

Oo naman, ituturo ko dn yung mga nakalakihan ko at syempre hanggat maaari di ko gagawin yung naranasan ko sa anak ko. Ayaw kong maranasan nya yung emotional and physical damage na naranasan ko.

$ 0.00
2 years ago

aw, ako I feel I am just least favorite, but it;s okay, Maybe they thought I am too strong naman kasi.. Pero ma appreciate ko sana kung maalala din nila akong kamustahin.

$ 0.00
2 years ago

Dama kita dzai pero ayun nga lang mas gets ko kasi di ako sa magulang ko ako lumaki sa mga kamag anak pero kahit good terms kami ngayon ng mama ko di ko pa din makalimutan yung pag iwan niya samin noon. Hay buhay parang life!

$ 0.01
2 years ago

Mukang may nabuksan akong emosyon hahaha sorry naaa. Pero ang mabuti jan eh in good terms pa dn at wag natin hintayin na mawala sila bago tayo magpatawad.

$ 0.00
2 years ago

Pinagdaanan ko din yan sis. Lalo na sa bahay namin na may favoritism. Yung lahat ng nakikita nila sayo ay yung mga pagkakamali mo lang. Kahit hindi ikaw yung nagkasala pero ikaw ang pagagalitan. I carried that feeling until lumaki ako. Pero ngayon, kinalimutan ko na sis. Wala naman rin akong magagawa kasi nasa past na yun.

$ 0.01
2 years ago

Nako sis, parehas tayo. Yung mga kapatid ko pa yung nakapansin, tapos ako naisip ko 'ay oonga no' lalo na kapag walang pera. Ako ang favorite na mapansin at mapaginitan hahahahw

$ 0.00
2 years ago

Ako rin sis, pero at the end alam ko magulang ko parjn sila. Mahal ko pwrin sila kahit ang toxic ng ugali nila sakin, wala eh. Ganyan talaga

$ 0.01
2 years ago

Kelangan talaga minsan may dapat kang isantabi pero minsan aabot ka sa point na lalaban ka na lang dn kapag napuno na

$ 0.00
2 years ago

I feel you sis kahit sino may pinagdaanan na ganyan ,ako din there was a time nag away kami ng tatay ko at sobramg kinikimkim ko yun pero yun na mas mabutin ng kalimutan nalag ang lahat ksi in the end of the parents ko yun and I know how my parents sacrificed and did everything para buhayin kami. Good to know na maayos na kayo ng tatay mo.

$ 0.01
2 years ago

Buti okay dn kayo. Minsan di talaga maiiwasan yung pagkikimkim ng sama ng loob, pero syempre maiintindihan dn natin sila lalo na kapag parents na dn tayo. Pero ako laging may 'pero or sana' pa dn hahaha.

$ 0.00
2 years ago

Tama ka sis,may kanya kanya tayong issue sa parents natin, aki din naman, pero sa ngyon ay hindi ko na masyadong sineseryoso kung anuman ang sasabihin nila kasi matanda na din kasi.At nagbago naman na sila,kaysa noon.

$ 0.01
2 years ago

Yun ang maganda doon, nagbago dn sila. Nagbago na dn ang parents ko pero kinailangan ko lumayas samim bago nila marealize siguro.

$ 0.00
2 years ago

Mabuti okay na kayo ngayon sis.

$ 0.00
2 years ago

sana all maraming drafts/daming baon na article hehehe

$ 0.01
2 years ago

Pero hindi tapos hahahahaha!

$ 0.00
2 years ago

At least my nasimulan

$ 0.00
2 years ago

Ako din sis ako yung anak nila mama at papa na sinasabing masamang bata, na pasaway, na na maagang mag aasawa. Haha. Ewan ko din pero tumatak din saakin yon pero all goods naman kami. Minsan kapag may nababasa akong ganito, nakakarelate ako. Haha

$ 0.01
2 years ago

Nako, nakakasama lang ng loob ano pero buti na mabuting tao pa dn tayo hahaha. Minsan kelangan ibaon na lang yung sama ng loob hihi

$ 0.00
2 years ago

Nakakalimutan pa din naman natin pero naaalala natin minsan kaya parang bumabalik yung hinanakit. Haha

$ 0.00
2 years ago