Hi Kuya....oops Ate**

18 34

01-11-22

Ilang beses na ba ako napagkamalang lalaki? Paano? Bakit? Chika ko muna kasi may nakita na naman akong post sa Tiktok. Wag kayo magalala good vibes to ngayon hahaha.

Tagalog muna tayo para di masakit sa ulo hahahha!

i-flakes ko lang yung mga sponsors ko hihi

Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Ayun na nga, may nakita na naman akong post sa Tiktok. Syempre ahhahaha minsan sa iba't ibang social media platform nako nakatambay, yung di toxic. Tapos may nakita akong post ng isang babae sa Tiktok na nampprank sya ng mga papasok sa cr. How? Tatayo lang sya sa pinto ng cr ng nakatalikod hanggang may gustong mag cr sa girls cr. Tapos yung iba daw makikita syang nakatalikod so akala nila men's cr kaya didirecho pa sila sa susunod tapos biglang babalik, marerealize nila tama na pala yung unang pinuntahan nila.

Naalala ko tuloy yung mga panahong payat pako't flat chested, malapad ang balikat at maikli ang buhok hahahahah!

picture screenshot from Tiktok janny medina

Oha pogi ni ate anoooo! Naloka ako sa ibang comment, kasi may nagtanong kung nagtetestosterone ba sya. Kaloka, pwede bang gusto lang ng maikling buhok?

Tomboy ba ko?

Hindi. Gusto ko sana, pero ayaw ng katawan at kaluluwa ko eh.

Though maraming nagaakalang tibo ako or lesbiana kasi di ako gorly gorl. May mga kaibigan din akong lalaki lalo na nung college kasi mas vibes ko sila sa mga kalokohan. Tska minsan or madalas mas gusto ko kasama mga kaibigan kong lalaki kasi wala masyadong kaekekan, bardagulan lang ng bardagulan.

May isa dn akong friend lalaki na tutuwa sken kasi nung nakilala nya ako lalo sabi nya wala akong kaarte arte. Pero di ko alam, parang lalaki kasi talaga ako kumilos HAHAHAAHHAA.

Short hair

Minsan di ko maintidihan yung ibang tao, kapag nakakita lang ng maikling buhok iisipin na tibo na yung babae. Hindi ba pwedeng, mas presko lang or for a change of look lang?

Share ko lang muna sa inyo yung pinakamahabang buhok na narating ng buhok ko. hihi

2006

This was back in highschool, layered lagi buhok ko noon kaya this is how long it is sa harap and then sa likod, it can already reach my waist.

Uso noong highschool yung pahabaan ng buhok. Pagandahan ng buhok ganern, pero habang tumatagal parang naiirita nako pero dedma muna hanggang naging college ako.

2009 ako yung nakatalikod

Minsan parang namimiss ko tuloy ang long hair. Pero ayun na nga, this picture was taken around 2009 and then I don't know bigla na lang nagbago isip ko at naggupit ng buhok. BTW, parlorista ang nanay ko so sya lagi ang naggupit ng buhok ko until matutunan kong gupitan ang sarili kong buhok.

Depende sa mood ko kung gusto ko pahabain o paikliin hair ko, pero usually hanggang balikat lang sya madalas. Dito sa B.O.Y na picture, yan na yung nagstart na ko mas paikliin pa and that's the time I started dyeing my hair na din.

Then after a few years na nagkukulay nako ng hair, napansin ko na parang mas nahirapan nako magmaintain ng long hair so di k na sya pinapahaba masyado. Until I decided to get a pixie cut.

Years passed pa, I am already working sa isang BPO company and I got tired of JUST dyeing my hair. So kahit malamig na malamig sa loob ng production floor mas gusto kong magpaikli ng buhok, hindi lang basta maikli, I decided to get an undercut hair.

sadly, I didn't find the picture nung 1st time kong nagpaundercut. Retouch na lang to

Eto yung style na pinakanaenjoy ko and uulit-ulitin ko anytime. Why? I used to have thick hair so ang hirap imaintain or iayos ng buhok ko, with undercut hair I can have short hair or hide the undercut if my hair is long din. While humahaba yung hindi shaved na hair, I can have both short and long hair at the same time.

2019

Less maintenance, easy to fix and hassle free! Well, at least for me. Di ko na kilala ang suklay since nagundercut ako.

Pinagkakamalang lalaki

Madalas. Bukod sa mga pangaasar saken hahahah!

I remember there were times na may tumatawag sken na kuya or boy. Well di ko naman sila masisi, bukod sa payat at mukang wala akong hinaharap, lagi pa akong nakasumbrero. Pero paglumilingon nako makikita nila nakalipstick hahahahaa. Di nauso sakin yung headband so I use cap instead, kahit pag nasa bahay lang.

May time din na nakaupo ako sa likod ng Fx tapos nagtanong yung driver kung san baba yung mga natitirang pasahero, 3 na lang kami sa sasakyan. Isa sa harap, isa sa gitna at ako sa likod na nakasumbrero at t-shirt.

Driver: san kayo baba kuya

Pasahero sa gitna: *sumagot kung anong street sya bababa*

Me: *narinig ko naman sya pero di ako sumagot kasi nga KUYA sabi nya*

Driver: * tingin pa dn ng tingin sa likod*

Pasahero sa gitna: *lumingon sken* san daw po kayo?

Me: Ivory street. *Natatawa*

Kaya minsan naisip ko na kapag magtatanong ka sa di mo kilalang tao, hanggat maaari walang pronouns unless obvious.

Closing

Ngayon na confirm ng mga kakilala ko na babae ako nung nabuntis at nanganak ako HAHAHAHA.

I still plan to get short hair, pero gusto ni asawa na makita akong long hair kasi nagmeet kami na short hair ako. Pagbibigyan ko muna sya HAHAHAHAHA

Ayun lang happy good vibes to all!!!

Lead image and pictures posted are mine, unless stated.

9
$ 3.36
$ 3.25 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Ayane-chan
$ 0.03 from @Jeansapphire39
+ 3
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Comments

Hahahahaha ako naman dati napagkamalang bakla ses... Pero srsly, ganda ng short hair bagay sayo ate.

$ 0.00
2 years ago

You are so pretty po!🥺I tried short hair kaso di bagay sakin kasi mabilog muka ko. Muka akong siopao. Sayo sobrang bagay, ang angas ng datingan hehe.

$ 0.01
2 years ago

Nako hahha char!! Maangas lang talaga ako madalas HAHAHAH

$ 0.00
2 years ago

Same tayo, Sis. Di rin ako girly and di ko hilig makipagkaibigan magsyado sa mga babe. Ayoko ko kasi ng madaming arte. Mas okay best friend kong lalaki eh, kahit parang unggoy ka tumawa sa kanila, wala lang. Dati nung highschool ako, naka short din ako. Hahaha. Di siya pixie cut pero parang ganun na din ka iksi.

$ 0.01
2 years ago

may mga friends naman akong babae pero mas gusto ko lang talaga minsan kasama mga lalaki kasi parang mas ako kumilos.

dami natatakot magpaikli ng buhok din kasi, tapang lang talaga hahahah

$ 0.00
2 years ago

Meron din ako babaeng friends pero pagnayaya kasi lumabas puro shopping, make up, at kain sa restaurants ang trip nila eh. Ang gastos at ang arte, hate ko pa naman make up. Hahaha. Unlike sa mga lalaki kong friends, pagnakikita-kita kami, kain lang, usap, sound trip, at dalaw sa pet store trip ng mga nun. Pareho kami taste sa music kaya pag sila kasama ko hindi ko na ako natatawag na weird. 😄

$ 0.00
2 years ago

i find it astig pag short hair ang girlalo..hehe pero ganda ni ateng short hair ha...

$ 0.01
2 years ago

Dibaaaaaa mamsh. Kras ko si ateng short hair, galing din nya magdala dapat desidido ka dn magpashort hair kasi baka magtampo ang hair

$ 0.00
2 years ago

Gusto ko ganyan na hair pero d ako sure kung bagay ba

$ 0.01
2 years ago

nako di natin masasabi sis malay mo bumagay sayo. try mo yung mga may hair filter na app para makita mo din hihi

$ 0.01
2 years ago

Anong klase na app kaya? Hahaha, kasi parang kaunti lang ang maintenance kapag short hair

$ 0.00
2 years ago

Ang angas nga e. Hair ko ngayon pixie cut hehe tamad ako kasi magsuklay 😂

$ 0.01
2 years ago

dibaaa, maiinis ka na lang kapag humaba na yan tapos kelangan mo na naman magsuklay HAHAHA

$ 0.00
2 years ago

Ang cute ng short hair mo, bagay naman sayo, sakin di pwede yan, malaki mukako. Hahaha

$ 0.01
2 years ago

Gusto ko nga sana ibalik eh hahaha. Uy pwede naman undercut ts mahaba yng nasa ibabaw. Pwede mo pa i-man bun

$ 0.00
2 years ago

Ang gnda ng hair mo pero di ko na achieved yan ksi lgi din ako napagkamalan non na boy hahaha. Bwst bwsit ako ksi nka sneaker,jeans at cap ako non yoko mgskirt tlaga😅.

$ 0.01
2 years ago

Hahahahaha ako den sis. Sneakers ako lagi pero shorts madalas pakahit papano babae konti HAHAHAHA

$ 0.00
2 years ago

Minsan lng ako mgshort sis ang dami kung peklat kakalipad sa ere dahil sa pgmomotor hehehe.

$ 0.00
2 years ago