A Brian Mcknight song? Nope! Hahahaha! I was just counting down days before a few events that will come this December.
Gawin ko na lang munang taglish tong post na to since wala naman akong subscribers na foreigners pero sana maintindihan ni @TheRandomRewarder hihihi
Sino ba makakalimot sa kantang 6,8,12 and 1,2,3 ni Brian Mcknight? hahahha (mukang na-age reveal na naman ako) Nakakatawa lang kasi yung hit songs nya puro nagbibilang, pero di naman talaga about dun yung post na to.
Since we are already on the last month of the year 2021, we start to countdown na din before 2021 ends so we can welcome 2022. Pero before that, may ilang celebrations din nanaman muna.
From the title of this article, 2, 7, 8, 9, 15 and 21.
2
2 days before the 12.12 sale.
Oh sa mga hahabol sa online shopping and hindi pa nakakapamili. Pwede pa tayo makahabooool! Wag kalimutan magaddutucart na ng items.
Ako I though, wala na kong bibilin ngayong 12.12. Kala ko safe na ko, asawa ko naman may gustong ipabili hahahha. Sya talaga dahilan bakit nag platinum na yung status ko sa Shopee eh.
Bakit nga ba sya nagpapabili sken? Kasi sa province sya nagwowork, so kapag dun ipapadeliver mas mahal shipping fee kaya kapag nakakauwi sya may mga bagong gamit na naman syaaaa.
Well, may 12.15 payday sale pa naman so magkasunod GOODLUCK sa mga magoonline shopping baka dumulas lang yung 13th month pay nyo hahahhaha!
7
7 days before Lil B's 7th month.
Yes, ang bilis! Mag7 month na ang bibi koooo! Well, from her 4th month ata we started dressing her up as anime characters, kaya nung nakausap namin ang in-laws ko sa Cebu I asked my father in-law if may request sya na dress up ni Lil B. By the way, my husbands younger sister who passed away was a cosplayer and this somehow reminds them of her na din.
Bakit nga ba kami nagdress up every month? Kasi di pa kami nakakauwi ng Cebu, where my in-laws are. Kinasal na kami at nanganak nako di pa din kami makauwi dahil sa pandemic, kaya I want them to see Lil B na nagddress up para matuwa din sila. :)
Well, ayun na nga. I asked my father-in-law anong character ang request nya and mukang kaya naman iachieve without spending naman. I plan to do a DIY costume kaya stay tuned mga mamshies!!
Eto yung previous cosplay nya hihi
Monthsary milestone: Twice - Alcohol Free edition
15-min rush: Monthsary o Milestone?
8
8 days before before makauwi si daddy.
Di ko alam pero lagi akong excited kapag uuwi si husband. Syempre asawa ko yun eh! hahahaha. De pero seryoso, happy din ako kasi makakaspend sya ng Christmas na kasama kami. This will be our first family Christmas. I remember last year, di sya nakapagChristmas break kaya nakavideo call lang kami and while nagnonoche buena kami sya nagttrabaho huhuhu. This time, he gets to spend a week (well 2 weeks nga sana dapat eh, kung wala lang kumupal)
Makakasama at mayayakap namin sya on this special holiday.
9
9 days to go before 2nd birthday ng pamangkin ko.
Yes, kahit may anak nako I still treat her as my alaga. She calls me Tita Yayay kasi ako ang yaya nya kapag andito sila. Akala namin eh di sya maadik sa Cocomelon pero eto yung age na marunong na sya mamili ng papanuorin. And shockingly, Cocomelon ang gusto nyang theme for her birthday HAHAHAHAH!
15
15 days before Christmas.
On December 25 syempre is the biggest holiday for Filipinos, ang Pasko. Ilang araw na lang ano, ang bilis. Ngayon ko lang nararamadaman yung simoy ng pasko dahil ngayong December lang lumamig.
Naggrocery ako last week and I bought a few items na din para sa lulutuin namin for xmas. Well fruit cocktail and pasta for spagetti lang naman muna inuna ko kasi eto yung madaling maubos kapag ganitong panahon.
Kayo, ano handa nyo? Ay may nakita akong vlog ni Ninong Ry ng mga pwedeng ihanda sa paskoooo. Watch this...
21
21 days before the 2021 ends.
Syempre after Christmas, NewYear naman. Dalawang taon na tayong magcecelebrate ng pasko at bagong taon na may pandemic and according sa news, bumababa na ang number ng active cases ng COVID-19. Sana magtuloy tuloy na, maawa tayo sa mga medical frontliners na pagod na pagod na sa loob ng 2 taon.
By the way, maishare ko lang. Last month or around October ata, I planned to visit my OB kasi nga sa sumasakit kong puson. Pagkapunta namin sa clinic eh wala daw sya, I messaged her but she didn't reply. After a few weeks, I asked my sister to call the hospital if magclinic na si OB namin.Sadly di pa din daw. So nitong last week ng November nakapagpacheck up nako and yung sister ko. Nachika ng OB namin na nagkaCOVID din sila. Vaccinated sila of course pero buong pamilya nila got the virus and it wasn't mild daw, naconfine sila ng husband nya. You might be thinking 'bakit sila naconfine kung vaccinated naman sila?'. Remember that medical personnels yung mga nauna mabakunahan? The vaccine is effective for 6months, so nagwwean na yung vaccine sa kanila. Bakit at paano sila nagkaroon? Well, her husband has cancer and is currently going to the hospital for treatment. They were thinking na most likely doon nila nakuha yun. That time, wala pang nilalabas or di pa nagaadvise ang gov't regarding boosters so now meron na, kaya magwait tayo sa advise ng LGUs natin regarding the boosters. The sad news din is yung mother ng OB namin is namatay.
So ayun, 2021 wasn't a great year for most people and we are all looking forward sa 2022 na everything will go back to the things they were. Gusto ko na din magkasama kami ng asawa ko dahil at Lil B's age now, it's the time na fast ang development nya and I want him to be with us.
Kaya magready na tayo ng new year's resolution for 2022. Ako, ayoko ng new year's resolution, more like things to look forward to na lang ako. :)
Kayo, ano pang pinaghahandaan nyo this December?
Check out related articles too!
25 days before Christmas: Back into crafties
30 days before Christmas: Season of giving gifts.
40 days before Christmas: Let's begin the countdown
lead image from and some pictures from unsplash unless stated.
abay andaming ganap! may purchases kami sa 12.12 so abang abang din hehehe