Mokong at Mokang
Part 1 Sa kalagitnaan ng kalsada may magarang sasakyan na kulay pula ang humaharurot. Walang pakialam kung may masasagasaan na tao sa bilis ang pagpatakbo nito. " hello, Dad bakit ka napatawag?" Sagot ng lalake na NASA loob. " ano kaba Patrick, nasan kana ba?, diba sabi ko pumunta ka dito sa office dahil bibigyan kita ng trabaho!!" Sagot ng taong galit na galit.. Si Patrick ay Anak ni Don. Valdez na isa sa pinakamayamang tao sa buong Mundo. Nag iisang Anak kaya nasusunod ang lahat ng layaw nito. Si Patrick ay matangkad,gwapo,Maputi,maganda ang pangangatawan dahil nag gigym,maymagagandang ngipin at pantay, Hindi mo mahahambing sa lahat ng artista dahil napaka perfect ang kagwapohan nya at higit sa lahat may pagkamanyak kaya masasabing FUCKBOY pero napaka bait nito,respetado maliban lang sa mga babae pag type nya nilalabas nya kaagad ang kanyang gayuma,gayumang mapang-akit na mukha,malahayop na diskarte,malaanghel na ngiti at ang huli ang galawang makalaglag panty. Patrick: Dad, naman bukas nalang yan may lakad pa ako eh... Don. Valdez: punyeta ka Patrick!!! Pag hindi kapa nag pakita bukas dito sa office ipapatapon kita sa Lola mo don sa probinsya!! Patrick: easy lang Dad ang PUSO mo, okay bukas maaga pa ako dyan, mas maaga pa sayo.. Don. Valdez: litche ka!!! Galit na sabi ni Don. Valdez sa kanyang Anak, sabay hampas sa kanyang lamesa. Don. Valdez: haysss, bakit nyo ako binigyan ng napakatarantadong Anak. "Marco wag mo naman murahin ang Anak natin, 23 y/o pa yon kaya nag papakasaya pa" ang sabi ng babae na kanina pa nakasimangot habang nakatingin sa kanya. Don. Valdez: yan!! Ganyan.. Kaya naging spoiled si Patrick kasi kinukunsinti mo kahit Mali nya. "Ano kaba Marco mag aaway na naman ba tayo dahil sa Anak natin!!. Kahit ganyan yang si Patrick Anak mo parin sya at tsaka saan ba nag mana yon di ba sayo?!" Don. Valdez: Oo na , sa akin na, teka ano nabang oras Hon? " mag aalasnuwebe na ng umaga" Don. Valdez: ahh, Tara mag Break fast na tayo. " ikaw nalang busog pa ako eh!! " Don. Valdez: sorry na Hon, nagalit lang naman ako eh kasi naiinis ako sa Anak natin eh.. " bahala ka..! Kumain ka mag isa mo," Dahil sa nagtatampo na naman ang asawa ni Don. Valdez nilapitan nya ito at niyakap,sinuyo sabay halik sa mga labi. Don. Valdez: sorry na poh, matampuhin talaga tong Misis ko, Misis kung si Fatima. Ang ganda,ganda mo ngayon tapus nakasimangot kalang.. "Hmmmp yan kana naman nilalambing mo naman ako" Don, Valdez: sege na poh, Misis Fatima. Si Fatima ay ang Mommy ni Patrick sya ang tinatakbuhan palagi ni Patrick pag pinapagalitan sya ng kanyang Daddy kaya siya lagi ang nag tatangol sa kanyang Anak. Fatima: Tara na nga, gutom na rin ako eh.. Naglakad na palabas ang mag-asawa para kumain sa mamahaling restaurant. "Good morning poh Ma'am,Sir" Sabi ng nasasalubong nilang mga trabahante sa Kompanya nila. Ang negosyo na pinanghahawakan nila ay napakarami na, may anim na naglalakihang Mall, sampung beach resort, apat na magagandang Hotel, siyam na gasoline staion, 570 hectars na ang tanim ay pang export na saging at marami pa.... ... ... ... ... ... "Ano kaba Patrick, napaka pilyo mo naman eh..baka mabangga tayo nyan eh.." Sabi ng babae na nakikikiti sa pinag-gagawa nito sa kanya. Patrick: Hindi yan ako bahala.. Nakasapo at humihimas na ang kamay ni Patrick sa maputing legs ng isang magandang babae na NASA loob ng kanyang sports car. " ahhhh, Patrick wag dito plzzz ughh.. Wag dyan,...Patrick,Patrick may bata,may bata!! Umilag ka!!!!" Sigaw nito kaya Napa napapreno bigla si Patrick, muntik,muntik na sagaasan ang tres anyos na bata. Patrick: Anak ng galang PUSA !!? Muntik na yon ah.. Kaya dali daling lumabas ng Kotse si Patrick at nilapitan ang bata. Patrick: bata, okay ka lang ba? Tulala ang bata at mangiyakngiyak na tumakbo pabalik sa tindahan kung saan sya galing. " hoy!!! Ikaw lalake!! .. Ano kaba bulag!! kita mong tumatawid na yong bata diridiritso ka parin " sigaw ng babae na nanggagaliiti sa galit. Patrick: sorry poh, Manang di ko po kasi namalayan bigla kasi syang tumawid eh kaya di ko nakita at tsaka Hindi naman poh nasagasaan eh, Sana naman poh Manang wag nyong pabayaan ang Anak nyo na tatawid na mag isa kasi dilikado. " ha.... Sinong Manang ang sinasabi mo ha?.. at tsaka sinong Anak,? " Naiinis nitong sabi Kay Patrick. Patrick: meron pa bang kausap ako na iba, diba ikaw lang, so ikaw yong Manang at Anak mo yan. " aba'yyy.... Nang iinis kaba Tisoy, kapatid ko sya at 18 pa ako para tawagin mong Manang!!" Patrick: hahaha, 18 kapa sa lagay na yan.. Humalakhak nalang si Patrick sa babae na kausap nya. " Gago ka pala eh.. Ikaw nanga muntik makasagasa, ikaw pa may ganang manlait , gusto mo butasan ko yang tagiliran mo ha. Napaka gago mo eh noh grrr " Inilabas bigla ng babae ang kanyang balisong tsaka nito pinaikot ikot sa kamay nya. Patrick: ohh,, ano yan nag bibiro lang ako eh.. " gagoo ka pala eh.. Di lahat ng babae napagbibiruan mo nang ganyan " Sinugod na ng babae si Patrick kaya mabilis itong tumakbo sa likod ng kanyang Kotse. " sege tumakbo kalang pag nahuli kita butas yang tagiliran moh..gagoo ka !! " Patrick: ipapakulong kita, ha... Tatawag na ako ng pulis . ibaba mo na yan. " tumawag ka, pulis din kasi Tatay ko eh. Sege lang sasaksakin kita at dudukutin ko yang mata mo, kasi Hindi ka marunong tumingin kung dalaga pa ako o may anak na.. . Wag ka mag papahuli sa akin Tisoy lagot ka talaga " Patrick: sege tatawag na ako ha.. Pag kapa nya sa kanyang bulsa wala ang kanyang cellphone naiwan sa loob ng sasakyan. Kaya paikot-ikot lang sila sa kotse, Hindi rin nya mabuksan kasi inilock ng Babae sa loob dahil natakot nong nakita nyang hinahabol ng balisong si Patrick. Patrick: hayss.. Pag minamalas ka nga naman oh.. Bhabe, buksan mo to..bhabe ano ba!! .. "Wag mong bubuksan kung ayaw mong pati ikaw butasan ko tagiliran mo, alam mo ba Tisoy bagong bili lang tong balisong ko eh.. Kaya ikaw ang kaunaunahang mapapatay nito, Manang pala ha." Patrick: sorry na, bitawan mo na yan, pag usapan nalang natin to, kasi naman yang damit mo para kang Manang eh.. " ha... Manang, tapus ngayon itong damit ko na naman, grrrr...ganito ang style ko kaya wag mong pakikialaman!!! " Galit na galit ang babae kaya huminto sya sa kakahabol at sinipa ang gulong ng kotse, pinagsisipa nya ito sa subrang inis. Patrick: tama na, wag yang kotse ko. Mas mahal payan sayo. " ahhhh, ganun pala mas mahal pa sa akin, kaylan pa naging mahal ang kotse Kaysa sa tao!!, okay ito nalang kotse mo ang papatayin ko.. Sandali maghahanap lang ako ng panghahampas, ayon may malaking bato " Kinuha kaagad ng babae ang malaking bato para ihampas sa kotse. Patrick: wag mong gagawin yan, magbabayad ka ng mahal nyan. Sege!! " ahh.. Okay di mag babayad!!" Ibinagsak kaagad ng babae ang malaking bato sa harap ng kotse kaya naka yupiyopi ito. Patrick: ahhhh, ang kotse koh.. Magbabayad ka jujuju.. " abah.. Best actor kung, kulang pa to eh, dahil sayong kotse ka muntik na mamatay kapatid ko, kaya ito TANGGAPIN mo" Isa pang bagsak sa bato ay tuluyan ng nayupi ng subra. Si Patrick naman Hindi makalapit dahil natatakot baka sya ang bagsakan ng bato. " ahh, okay isang bagsak nalang ng bato para kwets na tayo ha.." Babagsakan na naman sana ng babae ang kotse ng may sumigaw mula sa likod nila. " Nicole Anak, ano ba yang ginawa mo ha? " Paglapit ng babae natulala ito dahil kitang kita nya ang pagkasira ng mamahaling kotse. " jusko Anak, ano ba ginagawa mo, bakit mo sinira ang kotse na yan?" Nicole: kasi naman Nay muntik ng masagasaan ang kapatid ko kaya binibigyan ko lang ng liksyon tong mayabang na lalake na to. " jusko Anak mahal na kotse yan, Hindi natin kayang bayaran yan, Naku Nicole ano na naman tong pinasok mo na gulo ha..!! " Sabi nang kanyang Nanay na naguguluhan kung papaano maayos ang gulo na pinasok ng kanyang Anak. "May dala,dala kapang balisong itago mo yan, kinausap mo nalang sana sya Hindi naman nasagasaan kapatid mo eh.." Nicole: bahala sya !! Problema na nya yan!! At tsaka gusto mo nay basagin ko pa tong Salamin eh.. Patrick: magbabayad kayo sa ginawa nyo sa kotse ko, hindi nyo ba alam gaano to ka mahal? " ahh,, Sir, magkano poh ba kung ipapaayos namin yan?" Tanong ng Nanay ni Nicole. Patrick: Hindi, dapat palitan nyo toh!! " ahh ehh, magkano poh ba yan?" Patrick: mura lang naman to eh.. "Ay salamat mura lang pala, hmm magkano poh bah?" Patrick: 10 million!!! " ahhhhhhhh.... 10 million? Grabing... Kotse di ko kinaya ang halaga..." Maya,maya pa ay binuksan na ng babae ng kotse. "Bhabe.. Maya,Maya darating na ang pulis dito nag tawag na ako eh" Patrick: akin na yang cellphone ko bhabe.. Pipicturan ko lang sila baka kasi tumakbo at mag tago eh.. " ahh, Sir, Ma'am pwede pH bang hulug,hulugan ko nalang ang pambayad? " Tanong nang INA ni Nicole. Nicole: naku,, nay wag mo nang pag aksayahan ng oras ang mga yan, mga mayayabang yan eh.. " ahh, fuck.. Sinong tinatawag mo na Mayabang ha??.." Galit na sabi ng babae na NASA loob ng kotse. Nicole: wag mo akong paandaran ng kamalditahan mo ha.. Baka putulin ko yang dila mo mong babae ka!! Mukha kang bruha sa make up moh!!! " tumigil kana nga anak" Sabay batok sa ulo ni Nicole. Nicole: aray, naman nay.. Masakit yon ha.. " pasensya na poh Sir at Ma'am, pasensya na poh sa abala, uuwi na kami . Tara na anak!!" Dalawang hakbang palang ang na lalakad nila ay nag salita na si Patrick. Patrick: opppss.. saan kayo pupunta ha!! " ahhhh Sir sa bahay baka kasi masunod yong sinaing ko" Sabay takbo ang mag iina. Sa pagtakbo nila don din dumating ang mga pulis Bali masasalubong nila kaya napahinto silang mag INA. " Oh, Sir anong problema dito" tanong ng pulis na bumaba sa sasakyan. Patrick: Ipapahuli ko yang babae na yan kasi sinira nya ang kotse koh, Nicole: ako pa ipapahuli mo samantalang ikaw pa ang muntik ng makasagasa sa kapatid ko.. Ngumiti nalang si Patrick na nakakainis. Patrick: sinasagasaan ko ba sya, nagkasugat,sugat ba sya? Nicole: wala pero na trauma yong kapatid ko eh.. Patrick: hayss... Iririklamo ko yang babae kasi sinira nya ang kotse ko.. Nicole: gagoo ka pala eh, Patrick: at tsaka Sir may dalang balisong yan hinabol ako nyan dudukutin nya daw mata ko eh.. Nicole: Oo bakit, gusto mo gawin ko na ngayon.. " Anak tumigil ka na nga" Sagot ng kanyang Nanay. " Okay, hmmp Miss halik ka nga dito may ibubulong ako" Sabi ng pulis Kay Nicole Nicole: ano poh yon Sir? " alam mo ba kung sino sya at alam mo na na sya lang ang may kotse na ganyan dito sa pilipinas?" Bulong ng pulis. Nicole: Hindi poh.. Napapikit nalang ang pulis sa narinig nya Kay Nicole. " hoooo,, humingi ka ng tawad o di kaya magmakaawa ka o lumuhod ka kung kinakailangan. Kasi pag nag demanda yan at pinapapabayad kayo, malamang sa kangkungan kayo pupulutin" Nicole: ayoko!! Hindi ako lumuluhod sa demonyo katulad nya.. " Ganito nalang humingi kanalang ng tawad baka patawarin kapa" Sabi ulit ng pulis. Nicole: alam mo Manang pulis, di ako hihingi ng tawad sa mga taong mayayabang. " haysss napaka tigass mo bahala ka nga" .. Nicole: bahala rin kayo!!! Patrick: oh. Ano na, ? " ganito nalang Sir, kukunin ko pangalan nyo at pangalan nya para doon na kayo mag usap sa police station " Paliwanag ng police. Patrick: okay sege, payag ako nyan, tignan natin kung sino ang may kasalanan ha.. Galit na nakatitig Kay Nicole habang ang Nanay ni Nicole ay walang tigil ang paghingi ng sorry Kay Patrick. Nicole: wag mo akong titigan nang ganyan baka samain ka sa akin tisoy!! " oh, tama na yan sumakay na kayo sa patrol para makunan na kayo ng statement kung sino ang may Mali, pasok na kayo sa patrol car " Pumasok na nga ang Nanay ni Nicole pati ang kapatid nyang muntik na masagasaan. Sila ni Patrick ay sumunod nalang. Pag dating nila nag patuloy ang kanilang usapan. Matapus ang kanilang usapan ay napagkasunduan nilang magbabayad ng pera ang panig nila ni Nicole. Kasi talagang kasalanan ni Nicole bakit nasira ang kotse ni Patrick. Dahil sa kapus sa pangbayad ang pamilya ni Nicole humingi ito ng kapatawaran na hulog,hulugan lang nila ang bayad dahil Hindi nila mabayaran ng buo. "Sir salamat po na pumayag kayo na hulog,hulugan ko nalang ang bayad" Patrick: Wala poh yon, nag tataka poh ako napaka bait nyo tapus yang anak nyo ang sama ng ugali? "Ay... Iwan ko ba dyan Sir, bakit sya ganyan. Basta Sir salamat talaga" ... Nangmatapus na at okay na ang kanilang usapan nag paalam na ang dalawang panig na magsi- uwian sa kanya kanyang tahanan. "Hoy... Nicole mag sorry kana Kay Sir, para maka uwi na tayo" Alok nya sa kanyang anak. Nicole: ehhhh,, nay naman ayoko!! Bahala ka dyan papayag pa ako na sabihin mong suntukin ko sya.. "Haysss... Napakatigas mo talaga Nicole saan kaba nag mana?" Patrick: hayaan nyo nalang poh, uuwi na ako, itext nyo nalang poh ako ante kung mag babayad kayo, ito pala number ko. Sabay abot ng kanyang number at dahan,dahan ng lumabas sa police station sa paglabas nya nakatitig ito Kay Nicole ng masama. Patrick: sege poh at sayo paalam Manang!!! Nicole: gagoo,, ka ha.... Nang aasar ka ba ha!!? Inis na sabi ni Nicole pero nakatakbo na si Patrick at mabilis na sumakay sa kanyang kotse . Sa pag lalakad ng mag-iina napag usapan nila ang nangyari kung papaano nila mababayaran . " Nicole ano na gagawin natin paano natin mababayaran yon?" Nicole: mag sasummer job ako Nay, total tapus na naman ang klase eh, Hindi muna ako mag babaksyon kina Lola at lolo. " mabuti pa nga Nak, Alam mo bakit ka tinawag ng Manang tignan mo naman yang suot mo, maganda ka naman eh kung babae kalang talaga manamit " Totoong maganda si Nicole dahil ang kanyang Ama na namayapa ay may dugong kastila. Si Nicole ay matangus ang ilong, maliit ang mukha, mapula ang mga labi kahit Hindi nag lilipstick,mahaba ang buhok,matangkad,maputi,makinis ang balat, sexy at may dimple sa magkabila nitong pisngi. Nicole: ehh, Nay naman eh ganito talaga ako manamit eh. Para astig tignan !! " Oo na, ganyan kana. Sege bilisan na natin baka gutom na ying kapatid mo sa bahay" Pagmamadali ng dalawa ang pamilya ni Nicole ay masasabing Hindi mahirap,Hindi rin mayaman. Ang kanyang Mama ay kasambahay na malapit lang sa kanilang lugar, nag kakasya din naman ang kinikita ng kanyang Nanay minsan subra pa. Malaki,laki na kasi ang sinasahod nito dahil matagal na syang kasambahay sa bahay na pingtatrabahuan nya. Lumipas ang mga araw na naghahanap na ng mapapasukan na trabaho si Nicole. Pumasok sya sa malaking mall kasi may naka pagsabi sa kanya na may naghahanap ng sales lady sa isang Boutique kaya pinuntahan nya kaagad. Nicole: hmmmp,, goodmorning poh, nag hahanap paba kayo ng sales lady Sir, " haaa,, Anong Sir, kita mong naka lipstick ako at naka make up Sir parin tawag mo sa akin?!!!" Pataray na sabi ng bakla . Tatawa sana si Nicole pero pinigilan nya baka magalit at Hindi sya kunin. Nicole: naku sorry poh ma'am, hmmp yong tanong ko poh na nag hahanap PABA kayo ng sales lady.? " yan!! kung ganyan ka mag kakasundo tayo. Sege pumasok ka, hihintayin lang natin si Madam sya kasi ang mag iinterview sayo" Nicole: salamat poh.. Kinakabahan si Nicole dahil firstime nyang mag trabaho kung Hindi sana sila pinapabayad ni Patrick siguro NASA probinsya na sya naliligo sa ilog,kumakain ng prutas at makakakilala ng mga bagong kaibigan pero ngayon ito naghahanap ng trabaho para mabayaran ang nasira nitong Kotse. Itutuloy... Maging success kaya ang pag hahanap ni Nicole ng trabaho. Like and comment.firstime nyang mag trabaho kung Hindi sana sila pinapabayad ni Patrick siguro NASA probinsya na sya naliligo sa ilog,kumakain ng prutas at makakakilala ng mga bagong kaibigan pero ngayon ito naghahanap ng trabaho para mabayaran ang nasira nitong Kotse. Itutuloy... Maging success kaya ang pag hahanap ni Nicole ng trabaho. Abangan ang part 2...
No comments yet