read.cash Log in
M@Mhona

my diy bed for my toodLers

Sharing my D.I.Y bed for my toddler 🌸🌸 Tayong mga nanay, sobra tayong nanghihinayang magtapon ng mga gamit, kahit na matagal nang napakinabangan. Tayo yung mga tao na kahit masikip na at walang mapaglagyan, tinatabi padin natin lalo na kung may sentimental value. Ito yung playpen nila Mycia and Aerem. Minana nila ito sa nakakatanda nilang pinsan. Praktikal kasi kami kaya karamihan sa mga gamit nila noong baby pa, puro pre-loved. Naging lalagyan namin ito ng stuffed toys at naging laruan nila since madyo malaki na sila. Matagal ko nang iniisip na imodify ito pero nanghihinayang ako. Pero hindi na makatiis ang mga kamay ko at binago ko na. Mga kailangan: Retasong tela Stuffed toys pangdesign Sinulid at karayom Sipag, tyaga at pasensya sa mga batang nanggugulo πŸ˜„πŸ˜„ Ending, masaya sila at "New bed" na ang tawag nila πŸ˜„πŸ˜„πŸ˜„

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.