Eto na naman, Mga boses sa aking isipan, Mga pagkakamaling nais itama, Mga sandaling nasayang, inaksaya Taong nais mayakap, makapiling, Mga taong humamak, umalipusta Mga dagok ng buhay Tiktak tiktak, tunog ng relos sa aking ulanan, Pasapit na naman ang umaga, Nadidinig ko na ang ingay sa kalsada, Ngunit utak ay di pa nagpapahinga, Nais ko lang ay mabawasan ang pagod, Sa araw na aking natapos, Sa mga agos na walang hangang, Sa mga pagkakataong, Hindi ko alam, Kung meroon ba akong patutunguhan, Tama na, pakiusap, Mga imahe sa aking balintanaw, Kayo saking isipa'y bumitaw, One times two equals two, I have two sheeps, That I keep, Two times three I wish I could be free At pagkatapos ng apat na segundo, Babalik muli sa umpisa, Tama na pakiusap.
No comments yet