Art Galleries😍❤️ Matagal na panahon na rin simula nang mabasa ko ang mga libro na kung saan ipinapahayag ang mga dakilang pintor o di kaya ang mga kinikilalang tanyag na artists sa ating mundo. Sa katunayan, hindi ko lubos makita sa aking sarili na ako'y magkakaroon ng interes sa mga arts gayong hindi naman ako marunong mag drawing at lalong lalo na hindi rin ako mahilig sa pag pinta. Naalala ko pa noong ako'y nasa elementarya at highschool pa lamang, labis kong ikinalulungkot kapag magkakaroon kami ng mga proyekto na kung saan may kinalaman sa arts, dahil wala naman talaga akong alam sa mga bagay na iyon. Subalit, habang ako'y tumatanda, hindi ko inakalang magkaroon pala ako ng interes sa mga paintings.
Nagkataon na nakita ko sa social media ang iba't ibang mga sining at obra na ginawa ng mga artists. Isa iyong programa sa isang public na paaralan na kung saan binigyan nila ng pagkakataon ang mga estudyanteng may talento at may hilig sa arts na gumawa ng sarili nilang artworks. Ang kanilang mga obra ay dinisplay sa loob ng isang city hall. Habang minamasdan ko ang kanilang mga gawa, tuluyan kong napagtanto na, kay ganda naman pala ng kanilang mga likha. Ang iba't ibang mga kulay ay kanilang ginawang libangan upang makabuo ng isang magandang artwork.
Tuluyan akong napahanga sa mga taong may kakayahan sa pagpinta, sa pagawa ng mga artifacts, sa pag drawing at sa mga bagay na may kinalaman sa sining kaya naman ay naisipan kong pumunta sa isang National Museum upang makita pa ang mga iba't- ibang artworks.
Hindi nga ako nagkamali, tunay ngang kay gandang tingnan ang mga larawan na nakakapaloob sa museum. Mas lalo akong napahanga sa mga artists, aking napagtanto na hindi nga pala biro ang pagkakaroon ng talento sa pag gawa ng mga artworks. Kinakailangan ito ng mataas na oras sa pagbuo ng canvass, sa pag-isip ng panibagong obra, sa pag focus sa pagawa, pagpapahayag sa kung ano man ang nais iparating ng damdamin at lalong lalo na ang inspirasyon sa pagawa ng obra.
Isang malaking karangalan ang aking maipahayag sa lahat ng mga artists sa ating mundo. Binibigyan nila ng kulay ang ating buhay. Tayo'y kanilang binigyan ng kasiyahan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kanilang mga emosyon gamit ang kanilang mga talento kaugnay nito ang iba't ibang mga kulay na kanilang ginamit sa pagawa ng obra at labis ko ring iginagalak na makapunta sa isang art galleries. Hanggang dito nalang. Hanggang sa muli. -Mersmelly
No comments yet