Hello mga ka-Read.cash! Sana ay nasa mabuting kalagayan ang lahat. Panibagong umaga, panibagong buhay at pag-asa. Nakakabitin ang isang araw lang ang pahinga sa trabaho, pero sobrang pasasalamat kay Lord dahil kahit pandemya ay pinapadama parin niya ang pagmamahal nya sakin at saking pamilya.
Kahapon, 3rd Birthday ng anak ko, sa dalawang anak ko, kahapon yung unang beses namin nagCelebrate ng birthday sa side ng partner ko. Simple lang handa, wala din bisita pero, masaya kasi masaya ang mga bata. Isang araw lang pero di ko ikakaila ang pagod at puyat ko, pero nakakatuwa parin dahil kahit ganon napapawi ang lahat sa yakap ang halik ng mga anak mo.
Isang bayan ang pagitan sa bahay ng partner ko, kaya uwian lang din kami kasi kinabukasan maaga nanaman ang trabaho. Muntik na din pala kami hindi nakauwi dahil sa dinaanan naming shortcut ay pasara na ang barricade, buti nalang at pinadaan pa kami. (NakaFacemask at faceshield kami ng mga anak ko kahit provate vehicle, para talagang safe). Pagdating sa bahay around 7:45Pm. Nakatulog na din agad ang mga bata. 9PM nakareceive kami ng message na sa dinaanan namin ay may 5 patients na positive sa Covid (Asymptomatic). Buti naang din at nadaan lang kami at walang nakausap duon.
Ingat po tayong lahat. ππ€π»Salamat sa magsuSubscribe. π·
Belated happy birthday sa anak mo sis. π saan yung dinadaan niyo sis? pm mo ko. grabe sana matapos na to ..