Ginataang Kamansi/ Chicken Asado Lunch time na naman mga friends and noisers! Dahil nandito si mister, nagluto ako ng paborito niya na naging paborito ko rin. Kahit anong ginataang gulay gusto ko naman mula nang matuto ako sa kanila na kumain ng ginataan. Actually ang gustung- gusto niyang lalo ay ang Alimasag. Bagamat sa mga nagdaang buwan hindi ko siya pinapakain ng Alimasag dahil nga tumaas ang cholesterol niya pero sa last complete blood chem niya normal na so pwede na paminsan-minsan. Kaya tiyak na mag-eenjoy kami nito sa ulam naming ito. Pero ang daughter ko dahil may allergy siya sa alimasag kaya Chicken Asado ang ulam niya. Ang dessert namin ay ang binili kong Papaya kahapon sa Robinsons. Sana matamis na lang, hindi ko pa kasi natitikman. O paano hanggang dito muna ang update ko sa inyo. Kakain na kami, kumain na rin kayo mga noise friends! Huwag magpapa- gutom. Try to eat your meal on time. P.s. Nawalan kami ng internet connection dahil sa ipinapa-istilasyon sa kuwarto ng daughter ko. In-off kasi ang main switch at ngayon lang ito in- on. Nakakain na kami. Masarap pala talaga ang niluto ko hehe.. At matamis ang Papaya!π Love u all! #georgia0817
Combination pala ulam nyo kahapon hehe kaya Ang alimasag bukod sa nakaka HB bawal din sa akin kasi nanganagti ako kapag kumakain ako
It looks so tasty enjoy
Ah these dishes look really great dearπππ₯°
Sarap naman po bastat gulay