Share ko lang itong ibinigay na suman ng sister ko ngayon. Eksakto naman at gusto ko ng mag-meryenda. Alam niya kasi mahilig ako sa suman kaya kahit regalo ito sa kaniya ng inlaws niya, binigyan nya ako. Ito lang muna ang snack ko ngayon tsaka gumawa ako ng hot coffee. Malamig kasi dito sa kuwarto. Solved na ako dito sa suman at kape mga ka-noise! Mabigat kasi ito sa tiyan. Madadagdagan na naman ako sa timbang nito. Lately kasi lagi kaming may mga kakanin dito, na paborito ko namang lahat! Mahilig akong kumain ng mga kakanin na gawa sa malagkit na kanin na may gata, tulad ng iba't-ibang kalamay, biko, tibok-tibok, maja blanca, suman at ang leche flan kahit hindi ito gawa sa wala malagkit kundi milk, eggs at condensed naman ito. Paborito ko lahat iyan. Pero huwag lang sobra o marami ang kakainin kasi mahirap na baka maging diabetic naman. Dapat moderate lang at hindi sabay-sabay kakainin. Kayo mga ka-noise, gusto niyo rin ba ng mga kakanin na binanggit ko, o mas prefer ninyo ang pizza pie, doughnuts, cakes, sans rival at iba pang sossy na cakes and pastries? Well, anuman ang pinakagusto ninyo sa mga iyan, just comment down below, noisers!
1 comment
Sarap naman sis