read.cash Log in
@Megeorgia more from that month

Hello everyone! Kumusta ang gising niyo ngayon mga noise cash friends! Okey ba kayo diyan? I hope so! Nasubukan niyo na bang mag-ulam ng harboiled egg na ang sawsawan kamatis? Try n'yo ang sarap din lalo na kapag mainit pa ang kanin. Noong bata pa kami dahil nag-alaga ng mga manok ang tatay ko, madalas ganito ang ulam namin sa almusal. Nami-miss ko rin ang mga araw na iyon. Binigyan kami ng 2trays of eggs ng pamangkin ko, kaya naisip ko na maglaga na lang ng itlog para sa almusal namin. Ang bait talaga ng Diyos, pinapakilos Niya ang iba para paglaanan tayo ng mga kailangan natin. Kaya naman napakaraming bagay nating dapat ipagpasalamat sa Kaniya sa tuwi-tuwina. Nariyan ang buhay at lakas na ibinibigay sa atin, ang mga taong nasa paligid natin na nagmamahal at nagpapasaya sa atin, at marami pang iba na pag sinulat ko, baka mapagod ang mata n'yo sa pagbasa. Mag-almusal na tayo mga mahal kong kaingay bago magsimula sa mga gawain natin sa araw na ito. Mamayang 9-11 gagawin ko ang special task ko para sa araw na ito. Have a blessed friday, my noise cash family! #hardboiledeggs #banana #coffelover #hotrice #foodtrip #Georgia0817

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.