My Thursday Nandito na uli ako para sa evening post ko. Hindi ko na talaga magawang mag-post gaya ng dati kong ginagawa na 3x a day. Ang ginagawa ko na lang every morning binibisita ko ang mga ka-noise dito para makapamigay ng ft at somehow makipag-interact din kahit iilang minuto lang. Gayundin kapag nag-snack ako o nag-rest ng konti, bibisita na naman ako uli sa inyong mga noise friends dito para mamigay uli. Kung magpo-post pa ako, hindi ko na magagawa pa ang iba kong gawain. Kaya sinisikap ko na lang makapag-post gabi-gabi para maging active pa rin ako dito hehe.. Actually, wala rin naman akong ibang mga ganap dito dahil nasa bahay lang ako. Kaya ang ipo-post ko ngayon ay itong mga pinicture ko kanina. Ang una ay iyong niluto kong sinigang na pork kaninang 10:51 am, habang nakasalang pa kaya medyo malabo kasi umuusok pa . Pati itong snack ko kaninang 2:16 pm na suman. Kaninang 5:08 pm para hindi mainip habang nagba-basa sa mga content niyo, kinain ko itong Tattoos Corn Tube. Kaya habang nalilibang ako dito sa noise nalilibang din ang bibig ko rito hahaha! At ngayon naman ito na lang Monde Mamon at Choco Pie ang magiging snack ko ngayon with plain water lang, para di ako gutumin sa masasarap niyong post habang nag-i-scroll ako dito, hehe.. Ang totoo ang lahat ng ito ay kapareho rin ng mga nakaraan kong post. Kung wala lang date at time ang cp ko parang re-post lang. Kaya mas maganda nga pala na may date at time ito para hindi mapagkamalan hehe.. Kasi sa totoo lang pabalik-balik lang naman talaga ang ulam namin at meryenda hehe.. Baka nga maumay kayo kahit tinitignan niyo lang hahaha! Kapag kasi binabalikan ko ang mga na-post ko, nauumay ako haha..😀 Putulin ko na ang kuwento ko, time na para mag-noise na! Love u all! #georgia0817
Yung suman Lang sa akin sis ang sarap niyan may partner na kape hehe
So yummy food enjoy it, happy thursday. I love you too
ayos iyan friend,ang sarap magbasa ng kwento mo.hahaha.mgandang gabi