read.cash Log in
@Megeorgia

Rainy Weekend At Home Good afternoon, guys! Kumusta na ang lagay ng panahon diyan sa inyo? Dito sa amin may manaka-nakang pag-ulan pa rin. Kaya stay at home lang muna kami. Now lang ako nakasilip at magpopost dito dahil umattend kami ng Sunday worship virtuallly dahil sa masama ang lagay ng panahon. Pagkatapos nagluto na ako para sa lunch namin. Katatapos ko lang linisin at ligpitin ang mga pinaglutuan ko at pinagkainan namin. Hindi ang kinain namin ang ise-share ko ngayon kasi kapareho lang ng mga nagdaang post ko ang ulam namin. Haha! Ang gusto kong i-share ay ang mga nagga-gandahang halaman na nasa Sm Supermarket na naka-puwesto noong isang araw na naggrocery kami ng daughter ko. Habang hinihintay ko siya sa paghahanap niya ng cart na ibibigay sa amin dahil naubusan nga ng cart noon sa dami ng mga grocery shoppers kaya nilitrato ko muna ang mga halamang ito. Naaliw akong pagmasdan ang mga ito dahil parang nagbibigay ang mga ito ng inspirasyon sa buhay. Sa katunayan kapag may nakikita akong ibat-ibang halaman, mga bulaklak o mga tanawing napapaligiran ng mga puno o berdeng damo at mga bulaklak na ipinopost dito matagal kong pinagmamasdan ang mga ito. May hatid na saya ang mga ito sa aking puso. Ganiyan din ba ang epekto sa inyo kapag nakikita ninyo ang magagandang halaman o bulaklak na ipino-post dito? Well, sigurado ako na ganoon nga! Sa totoo lang lahat ng pinaghirapang i-post ng mga co-noisers natin dito ay pinahahalagahan natin at nagdudulot ng kaaliwan sa atin. Enjoy the rest of the rainy weekend with your family at home!πŸ˜€

25 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.