read.cash Log in
@Megeorgia more from that month

Mga ka noise gusto ko lang ishare ang maganda kong experience sa pagpapagawa ko ng ipad at cp. Minsan kasi ipinaayos ng mister ko ang nokia cp na pang-kol niya sa cp technician dito sa ipnost ko. Ang ipinabayad sa kaniya 400 lang kahit may pinalitan na piyesa. Samantang sa palengke ang labor ay 500, pwera pa kung may piyesang papalitan. Naisip kong dalhin sa kanila ang ipad ko na 2 years ko ng di nagagamit dahil nalimutan ko ang password ng apple id ko. Noong 2019 ipapagawa ko sana sa kabilang Mall sabi niya, 1,500 pwera pa kapag binigyan ako ng panibagong apple id, so hindi ko na ipinagawa. Dito ang siningil lang sa akin, 1,300. Ok na ngayon at may bago na akong apple id. Ibinili ko rin ng charger sa store nila, dapat 500, 450 na lang ipinabayad. Ipinaayos ko na rin ang anderoid cp ko dahil sira ang power switch nito, hindi na mabuksan at mahina na ang battery. Kinailangang orderin pa nila sa manila ang battery dahil walang available sa store nila. Ipinabayad lang 1000. - Bale 800- battery at ang power switch is 200. Iniisip ko nasaan ang service fee nila. Naisip ko baka dahil 3 ang ipinagawa namin kaya may discount. Mabait at magalang ang tagagawa nila dito. Kaya kung sakaling magpapaayos kayo ng cp o ipad, try ninyo sa kanila mga kanoise friends ko. Sulit ang ibabayad ninyo.This is located at Robinsons Pampanga. 😊

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.