Monday, My Busy Day! Ngayon lang ako makakapag-post sa araw na ito! Sobrang busy kasi ako kapag monday dahil sa dami ng aking gawain. Maaga akong gumising kaninang umaga dahil isinalang ko muna ang labahin ko sa washing. 3 loads ito dahil almost one week akong hindi nakapaglaba. Itong pinicture ko dito ay ang huling load ko sa washing, ang oras diyan ay 9:11 am na, hindi ko napicturan iyong nag-start ako. Nagsangag muna kasi ako at nagprito ng itlog at sausage para sa almusal ni mister. Pero kami ng daughter ko di kami nag-rice. Late breakfast na ako gaya ng makikita diyan sa picture 9:06 am na. Ang almusal ko ay slice bread lang na ang palaman ay Eden Slices Cheese, 1pc. suman at hot coffee lang siyempre. Kaya late din ang lunch ko, 1:19 pm na. Kaninang 4:36pm kumain ako ng french fries na luto ni husband, magaling na kasi ang nabunot niyang ngipin hehe.. At ngayon after dinner itong fruit salad ang dessert ko, 6:15pm na ngayong pinicture ko ito, papalambutin ko pa kasi mas gusto ko iyong medyo nalulusaw na, sobrang yummy nito kasi maraming buko at ma-krema. Hindi ko na pinicture ang dinner namin tignan n'yo na lang ang lunch ko kanina dahil as usual replay lang ang ulam namin. Hahaha! Pagkatapos kong i-post ito habang nagno-noise ako kakain ako ng chichiria para di ako gutumin sa masasarap niyong post. Kaya iyon lang ang aking ganap sa araw na ito. Kayo, noise friends, how is your Monday? Let me hear from you! I love you all! Lovinglybyours, #georgia0817
2 comments
You really worked hard, my dear, in preparing these items, you are skilled and I am proud of your friendship
Napaka busy lunis parang ako, kaya ngauon palang naka silip dito