read.cash Log in
@Megeorgia

Late Evening Mema Post Gusto kong i-share sa inyo ang kuwento ng dining table namin. Noong bago pa lamang kami ng husband ko sa noise cash, dahil pareho kami ng bahay ni mister, kaya parehong nasa dining table namin ang aming pagkain at magkapareho kami ng mga ginagamit. Ang nangyari si husband ang nag-litrato no'n ng pagkain, dahil medyo mas okey naman siyang mag-shot ng picture kaysa sa akin at mas malinaw ang camera ng cp niya noon kaysa sa ginagamit kong cellphone. Matapos siyang mag- post, iyong isang nilitrato niya iyon ang pinost ko sa akin, nasabihan ako na "you spam! copy paste!" 2x kong na-experience iyon, kaya naisip namin hindi pwede na parehong lugar ang pagkain namin. Kaya tinandaan ko na iyong mga post kong pagkain dapat hindi sa dining table namin, dahil pag-aari na ni mister iyon kapag nagpo-post siya ng pagkain. Ha-ha! Since then iyong pagkain ko nililitrato ko sa laptop table ko na nasa loob ng kuwarto namin. At kapag medyo marami dahil maliit lang ito, dadalhin ko pa sa coffee table sa sala. Iyon ang reason kung bakit hindi ko ginagamit ang dining table sa mga pagkaing pino-post ko sa noise cash simula nang mag-start ako sa platform na ito simula noong November 2021. At mula noon sinikap kong magkaiba na rin ang mga gamit na ginagamit namin sa pagpo-post. Nitong nakaraang buwan, ang ginawa ko para di na ako nahihirapang i-pasok pa ang pagkain ko dito sa kuwarto, dahil sa dining table naman kami talaga kumakain, pinalitan ko ang table cloth nito ng ordinaryong mantel. Kaya since last month, hindi ko na inililipat ang pagkain ko. Kapag naghain ako dito sa dining table, puwede ko ng litratuhan dito. Anyway hindi na gaanong nagpo-post si mister at di na din naglilitrato dito dahil naka-concentrate na siya sa work niya. Bibihira na siyang mag-noise. He-he! Have a good night's sleep, everyone! Luv u all! @Georgia0817

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.