read.cash Log in
@Megeorgia more from that month

Mga kapuwa ko noisers, ise-share ko lang sa inyo itong nakakabahalang balita dito sa lugar namin. May 7 ng confirmed covid cases at mayroon pang panibagong 4 uli sa area namin. Nakakatakot na talagang lumabas ngayon. Ibinalita din ng kapatid ko na wala na raw mabibiling gamot sa lagnat, sipon at ubo dito sa mga botika rito! Paano na lang iyong mga may ganoong karamdaman? Saan pa sila makakabili ng gamot kung ganitong nagkaubusan na? Kailangan pa nilang gumastos sa pamasahe para humanap ng mabibilhan sa ibang mga lugar. Kaya napapabayaan ang iba o kaya nadadala pa sa hospital kapag ganiyang wala silang mabiling patiunang panlunas sa karamdaman nila. Minsan ang nakakapagpalalang lalo sa kalagayan ng mga tao ay ang panic buying. Imbes na may mabili ang mga taong talagang nangangailangan ng gamot ay wala silang mabili kaya tuloy lumalala ang kanilang karamdaman imbes na maagapan. Kaya mga kaibigan kong ka-noise, huwag na lang tayong lumabas muna kung hindi rin lamang kailangan. Hindi lang ito para sa ating sarili kundi para na rin sa ating mga mahal sa buhay at ating kapuwa. I love you all my friends and noisers! Lovingly yours, #georgia0817

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.