Happy lunch noisers! Gaya ng sinabi ko noong isang araw na nakita ko rito ang isang ka-noise na nag-post ng ginataang laing, na sisikapin ko ring makapagluto nito dahil sa totoo lang paborito ko ito. Una kong natikman ito noong bago kaming mag-asawa ni mister. Noong una ayokong kumain non, palibhasa dito sa amin sa Pampanga, noong dalaga pa ako di nagluluto ng ginataang ulam ang mother ko. Sabi ko sa mister ko no'n, para namang meryenda kasi may gata. Kaya ang ginagawa ng mabait kong biyenan, ipinagluluto ako ng iba para may ulam ako. Kalaunan nang panoorin ko kung paano nila niluluto ito at napapansin ko na sarap na sarap sila nagganyak din akong kumain. Aba, bandang huli dinaig ko pa sila, lagi akong nagre-request na magluto sila ng laing na gabi.😂🤣😂 Palibhasa kapag nagluto sila punung-puno ang malaking kawali nila kaya ang ginagawa ko pa itatabi ko sa isang lalagyan ang iba para sa almusal kasi mas malakas akong kumain nito kapag ininit sa umaga. Noong bago kaming mag-asawa ni mister, slim lang ako, nang lumaon dahil sa ginataang gabi, medyo tumaba naman ako.😃😀😃 Well, kundi ko pa puputulin ang kuwento ko baka sumobra ang haba at hindi na ako makapag-hain at nagyaya na si mister na ayusin ko na ang aming dining table. Kaya, kumain muna tayo mga mahal kong ka-noise! Mamaya na natin ituloy ang kuwentuhan.😊 Lovingly yours #georgia0817
No comments yet