Magandang umaga sa n'yo mga kaingay! Maganda ba ang gising n'yo ngayon? I hope so! Nakikita niyo itong post ko na sweet and sour na tilapia? Puro ulo ang natira? Hehehe! Iyan iyong kalahati noong niluto ko kahapon. Ibig sabihin kalahati lang iyong kinain namin kahapon. Naisip n'yo ba mga misis na gaya ko, kung gaano kalaki ang natitipid ko kapag ganito ang ulam namin? Ganiyan ang ginagawa ko lagi para makatipid. Hinahati ko tapos itatabi ko na ang kalahati para sa kinabukasan naman namin kakainin. Kaya ngayon, maaga pa akong makakapagsimula sa mga gawain ko kasi ininit ko lang ito at nagsangag lang ako ng aming left over na kanin. Nakapag-exercise pa ako ng 30minutes. Body stretching lang ang ginawa ko dito sa may harap ng terrace namin. Pinagpawisan naman ako. Mamayang 8:30 magsisimula uli ako sa given task ko para sa araw na ito. So, mga friends kakain na muna kami dito habang mainit- init pa itong left over na sweet and sour na ininit ko na lang hehehe! Sino sa inyo mga kaingay na misis ang nakakagawa nito para makatipid? Have a joyful day everyone! #sweetandsourfish #leftoverfood #tipidmode #Georgia0817
No comments yet