" SOCIAL MEDIA" Hindi natin makakaila na malaki ang ambag Ng social media sa ating buhay. Dahil dito nagkaroon tayo ng " in-tounch" sa ating mga kaibigan at relatives sa malayong lugar. Bihira lang sa tao ngayon ang walang social media account, kahit nga si Lolo at Lola tsaka si bunso nakikisabay na rin sa uso Diba? Pero sa kabila nito kailangan pa rin natin maging maingat sa lahat ng ating ipo-post at ishe-share dahil Hindi lahat ng impormasyon na mababasa natin ay totoo. Maraming fake news and fake person sa social media. Minsan nga, pati privacy natin nakukuha Nila. Hindi naman masamang ibahagi sa Mundo Ang buhay mo, karapatan mo Yun pero huwag mo sanang kalimutan na lahat ng bagay may limitasyon. Lahat nang sobra ay masama. Huwag mong hayaang lamunin ka ng likes ,comments at share at Ito ang maging basehan mo sa pagiging tao mo. Huwag mong hayaang ang social media self mo lang ang mag-grow, dapat mas bigyang pansin mo rin ang growth mo emotionally, physically at mentally. Huwag mo ring hayaang masira ang imahe mo dahil sa isang maling click mo lang. Be a wise user. Post and share responsibly. Gif from Google #Random
No comments yet