read.cash Log in
@Mayiee more from that month

Salamat na lang sa Lahat! ✍️Mayiee Kung tulungan mo ako, salamat Pero kung tutulungan mo ako dahil may kapalit , huwag na lang Salamat na lang sa Lahat! Ayoko maging kaaway o maging kaawa-awa Alam ko na alam mo na hindi ko gusto ang pinupunto mo Para kang manok na putak Ng putak kahit Hindi pa sumisikat ang araw Kaya't salamat na lang sa Lahat! Hindi ako galit , nadidismaya lang Para bang gusto mo akong tulungan kapag kaharap ang camera, Hindi pa dapat bukal sa loob Hindi pakitang tao ? Kaya't pasensya na, salamat na lang sa Lahat! Heto na , tatapusin ko na Wag ka ring Magagalit ,Hindi Ikaw Ang masama Sadya lang Hindi ayon ang sitwasyon nating dalawa Kaya mas mabuti na lang lumayo ka na At baunin ang mga salitang " Salamat na lang sa Lahat!" ____________________________________________ P.s Wala po akong kaaway o pinatatamaan dyan haha. Sinabayan ko lang Ng kalungkutan ang pagpatak ng mga ulan dito. Magandang hapon hehe #MyLife

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.